Any monument ay bubulaga na ang Miss Universe 2008 at bawat sektor na ng kabaklaan sa buong universe ang nagbigay ng ng kanilang mga kuro-kuro, mga prediction, at kung anik-anik na forecast sa kung sinechiwa ang uuwi na may ngiti sa kanyang mga labi. At siyempre, hindi dapat magpahuli ang Empress Maruja noh, lalo na't lascheer some kinda korek ang aking hula powers na sabihin kets na Asian ang magwawagi.
Ektuwalee, dapat kanina ko pa ito pinost kaya lang dahil napakaresponsable ni Empress Maruja'y ngayon lang niya nabayaran ang disconnected na DSL subscription sa balaysung. Kaya hayan, unahan sa paggamit ang mga shupatid, at dahil middle child (at wiz tunay na babae) si Empress siya ang nahuli sa pila balde.
But enough about that. Naritets maritess ang pinakahinihintay na fearful predictions ni Empress Maruja sa magaganap na Sagupaan sa Nha Trang:
* South America goes out with a bang - Noong nakaraang taon ang mga Asyano ang namukadkad at nagpapansin nang husto sa Miss U sa pangunguna nina Miss Japanera Riyo Mori at Miss Koreana Honey Lee (sorry, pero hindi kasama sa listahan si Miss Q&A na si Anna Theresa Licaros... remember her gown made of upholstery?). This year, bebengga ang mga Latina ngayong taon sa pangunguna ni Miss Venezuela Dayana Mendoza.
(I swear, aliw talaga kets sa kanyang national costume. Kahit nga ang aking amiga sa Venezuela ay hindi ma-gets kung ano'ng meaning n'un.)
Pero sa trulili, feeling ko ang competition ay sa pagitan ng dalawang natatanging mga alagad ni Betty La Fea ('yung transformed version noh!).
'Yan ay sina Taliana Vargas ng Colombia (finally, a "matinong" candidate from Colombia)...
At Natália Anderle ng Brazil (simply because the "first runner-up last year will win this year conspiracy theory" may do its magic for the fourth time in a row).
At kahit anufa ang sabihin ng ibang mga pageant fan, hinding hindi ko feel si Miss Puerto Rico Ingrid Rivera. Vahket? Tignan sa ibaba...
(Click the image at your own risk.)
Ack! Que horror. Panakot ba sa daga?
* Thailand may have a shot at the crown - Feeling ni Empress Maruja na papasok sa Tough 15 Semifinals si Miss Thailand Gavintra Photijak hindi dahil galing Thailand ang sponsor ng swimwear ng Miss U kundi dahil angat ang kanyang kagandahan sa lahat ng Asian candidates.
* As usual, let us not pin our hope on Miss Philippines - In fairlalou, may kafezan naman ang ating kandidatang si Jennifer Barrientos. Ngunit subalit datapwat, hindi naman natin mapagkakaila na maraming magagandang kandidata ngayong taon. At dahil mukhang hindi na idadaan sa public voting ang Miss Photogenic, hindi niya rin 'yun mauuwi. Kahit nga ang Best in National Costume na paramihan ng online votes ang labanan, wala sa Tough 10 Finalists ang Miss Philippines. On a lighter note, wala rin tayong expectations nang mapasok sa Semifinals ng Miss Universe 1999 si Miriam Quiambao.
Ano ang dapat gawin para mag-winlalou ang Pilipinas sa Miss U? Palitan na ang mga namamahala sa Binibining Pilipinas. 'Yun na!
* Expect a lot of darkhorses - Siyempre, hindi mawawala ang mga magagandang underdog na mapapasama sa listahan ng Semifinalists, gaya na lang nina...
Alizée Poulicek ng Belgium. Kahit na nakakatawa kung paano niya dalhin ang Swarovski-crystal embedded na national costume, super duper winner naman ang kanyang swimsuit at evening gown presentation.
Zana Krasniqi of Kosovo. Usual na sa Miss U na ang bansang first-time lang sasali sa pujent ay eentra sa Semis (case in point: last year's Tanzania). Anyway, there is this certain air of mystery when I see her, kaya lang ang pakiramdam kets maaga siyang maliligwak sa Semis dahil isa siyang alagad ni Vina Morales.
At Anya Ayoung-Chee of Trinidad and Tobago. Although bihira siyang kunan ng local press, hindi mapagkakaila ang exotic beauty ni Anya. Saan ka ba naman makakakita ng mukhang Tsinesa na may Caribbean accent? Love na love pa ni Empress Maruja ang kanyang swimsuit presentation.
So, tatalab for the second year in a row ang juju powers ni Empress Maruja o dapat na siyang magtanda at manatili na lang sa pananahi ng t-back? Pero whatever happens, sigurado akets na hindi si Miss Egypt ang mananalo, at lalong hindi itets...
Bakit 'ka nyo? Tignan mo naman... May hawak na yosi.
Sunday, July 13, 2008
Miss Universe 2008 Hula-Scope
Natsismaks ni Empress Maruja at 8:55 PM
Mga Tsika: Jennifer Barrientos, Miss Universe 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
ahahaha....
animal ung bading na un!LMAO
Post a Comment