Balitang nasagap lang, hindi pinalamon ng pancit canton at orange juice:
Gaano ba katotoo na simula ngayong Linggo, July 27, dala-dalawa na ang tatanggalin sa Pinoy Idol hanggang umabot sa Final 2? Ayon sa tsismaks, dalawang linggong "double eliminations" ang magaganap na susundan naman ng isang solong tsugian hanggang dalawang contestant na lang ang matira't maglalaban-laban sa August 16.
Ang sey ni Empress: Ayan kasi, minamadali nang tapusin ng GMA Network ang naaaaapakapangit na Pinoy Idol. Karma ang tawag diyan... karma! Mang-agaw kasi ng franchise ng may franchise, che!
Wednesday, July 23, 2008
Pinoy Idol, minamadali na ba dahil PANGIT?
Natsismaks ni
Empress Maruja
at
4:13 PM
0
ang tumalak
Mga Tsika: GMA, Pinoy Idol
Sunday, July 20, 2008
Kaso ng saksi sa diumanong ratings manipulation ng GMA, talo sa Korte
Balita mula kay Noel Asiñas, palamunin ng GMA:Natalo sa demandahan ang isa sa mga saksi ng ABS-CBN sa akusasyon nitong pagmamanipula ng ratings ng karibal nito na GMA Network. Ibinasura ng National Labor Relations Commission sa Bacolod ang kasong illegal dismissal na isinampa ni Donald Nojas na dating empleyado ng Regional GMA Network.
Ayon sa desisyon ni Labor Arbiter Romulo P. Sumilang, may katuwiran ang RGMA para tanggalin sa trabaho si Nojas. Inalis ng kumpanya si Nojas noong ika-30 ng Marso, 2007, dahil sa kasong sexual harassment, pagpapabaya sa trabaho, at kawalan ng tiwala at kumpyansa sa kanya ng kumpanya.
Nagsimula ang kasong sexual harassment kay Nojas nang maghain ng reklamo ang isang reporter ng RGMA noong Pebrero 2007 sa Assistant Prosecutor ng Bacolod City. Napatunayan din sa maraming pagkakataon ng RGMA na hindi inaasikaso ni Nojas ang kanyang trabaho dahil sa kanyang madalas na pag-absent sa trabaho nang walang inaprubahang pormal na paalam sa opisina.
Inilagay din ni Nojas sa alanganin ang interes ng RGMA nang magtrabaho siya bilang anchor ng isang programa sa isang kalabang istasyon habang konektado pa ito sa RGMA.
Ang sey ni Empress: Naku huh, tuluy-tuloy na kaya ang winning streak ng GMA sa Ratings Manipulation Saga na ito? At knowing ABS-CBN, siguradong may banat ang ABS-CBN sa isyung ito, kesyo may kamag-anak ang mga taga-National Labor Relations Commission na nasa GMA (na mapapanood sa XXX), o kaya may mga bahong itinatago ang mga humatol laban sa kanilang saksing si Nojas (na mapapanood sa TV Patrol World).
Natsismaks ni
Empress Maruja
at
5:37 PM
0
ang tumalak
Mga Tsika: ABS-CBN, Eksenang Kaloka, GMA
Wednesday, July 16, 2008
Balitang paglipat ni Lorna Tolentino sa ABS-CBN, press release lang ba?
Umiikot sa maliit na mundo na kashowbisan ang balitang baka tumalon sa ABS-CBN si Lorna Tolentino. Kasalukuyan siyang nasa GMA bilang isa sa mga host ng Startalk at paminsan-minsan paglabas sa mga teleserye. Ilang linggo na lang ang binibilang bago mapanis ang kontrata niya sa GMA.
Ayon sa press release ng mga reporter na palamunin ng ABS-CBN, ang guesting diumano ni LT sa variety show na ASAP ang hudyat ng kanyang paglipat sa Kapamilya Network. Samantala, kinontra naman ito ng mga reporter na palamunin ng GMA at nagsabing press release lang daw iyan. Wala pa naman daw inaalok ang ABS-CBN sa asawa ng namayapang si Rudy Fernandez.
Ang sey ni Empress: Baka naman hinahayaan lang ni Tita Lorna na magpataasan ng offer ang dalawang ganid na istasyon, tapos pipili na lang siya kung alin ang tatanggapin niya paglagpas ng "Forty Days." Malas nga naman kasi mag-isip ng pera sa panahong iyan.
Natsismaks ni
Empress Maruja
at
1:17 AM
0
ang tumalak
Mga Tsika: ABS-CBN, GMA, Lorna Tolentino
Monday, July 14, 2008
GMA Network, ibinibintang sa iba kung bakit PANGIT ang Pinoy Idol
Nagpahayag kamakailan ng ilang mga kinatawan ng GMA na may ilang grupo raw na nangangampanya upang masabotahe ang Pinoy Idol. Ayon kay Gerry Ocampo ng People's Journal, ang grupo na ito diumano'y bumoboto nang maramihan sa contestant na pinakasablay noong Performance Night. At dahil diyan, ang mga finalist na magagaling daw ay natatanggal kinabukasan sa Results Show.
Knows na raw ng "number 1 network sa Pilipinas" kung sinek-sineki ang may pakana nitets. "Ang GMA-7 ay lumalaban nang parehas at hindi ugaling manira ng ibang programa," sey nila.
So, napakagaling pala ni Sue Ellen noong Sabado kaya tsugi ang beauty niya kinabukasan?
Naku huh! Aminin na kasi ng GMA na sila mismo ang may kasalanan kung bakit napakapangit ng prestihiyosong Idol franchise. Kahit nga ang mga bansang mas purita sa Pilipinas gaya ng Slovak Republic ay mas bengga pa ang production kaysa naman sa reincarnation ng SOP na itets. Gusto ngang maiba sa Philippine Idol, pero mukhang ang kinaiba nito'y naging minadali't katawa-tawa ang production.
Pero heto naman akets, kyunga, nanonood pa rin ng Pinoy Idol hoping na may matinong finalist na magwawagi.
Go Penelope!
Natsismaks ni
Empress Maruja
at
3:45 PM
1 ang tumalak
Mga Tsika: GMA, Pinoy Idol
Thursday, July 10, 2008
Location ng Survivor Philippines, Bistado Na!
Hindi po ito tsismax, pero nalantad sa isang diyaryo sa Thailand na sa isang natural park doon gagawin ang Survivor Philippines. Ayon sa The Nation, gaganapin sa Tarutao National Marine Park sa Southern Thailand ang local version ng pinakamalaking reality show sa mundo.
Naging isyu pala roon na baka kasi makasama sa kalikasan ang pag-shooting ng Survivor Philippines doon, pero nagpahayag ang vice governor ng Satun Province na si Chuangchai Pao-in na pumirma ng kontrata ang producers ng SP na hindi sisirain ang magandang tanawin nito.
Magsisimula ang shooting sa July 21 at magtatagal ito hanggang August 29. Isang Thai-style pavilion na nga ang itinatayo sa location upang maging ganapan ng Tribal Council.
Naku huh, kailangan galingan ng GMA ang pag-produce ng Survivor Philippines noh para bumawi sila sa kanilang masamang karma pagkatapos mang-agaw ng franchise ng may franchise na "Philippine Idol" tapos bababuyin lang pala ng isang kalbong direktor at ng kanyang kampon ng mga dinggang mahilig sa lie detector test, attitude box, at sandamakmak na paruparo dahil gusto nilang ipalandakang mga bakla ang nasa likod ng show na kung tawagin ngayon ay "Search for the Next Jonalyn Viray."
Natsismaks ni
Empress Maruja
at
9:58 PM
1 ang tumalak
Mga Tsika: GMA, Pinoy Idol, Spoiler, Survivor Philippines
"My Monster Mom," Naging Hit Nga Ba?
Eto ang hirap kapag walang weekly box-office list na pinapakita ang ating local entertainment press, lahat ng producer puwedeng mag-claim na box-office sila. Buti na lang at nariyan ang Box Office Mojo upang kahit papaano ay magbigay linaw kung trulili nga ba ang claim o hindi.
Statement kasi ng GMA Films, naka-25 million pesoses ang return of the comeback ni Annabelle Rama na "My Monster Mom" noong nakaraang linggo. Im fack daw, second daw itets sa box-office list kung saan namayagpag ang Hancock ni Will Smith.
Question ko lang: Kung hit naman pala ang My Monster Mom, bakit wala ito sa Box Office Mojo at lumalabas na ang pelikulang "Wanted" pa ang official na second placer noong nakaraang linggo with 17 million pesos? Ikinakahiya ba ng GMA Films na naging second lang itets? Sana naman hindi.
Natsismaks ni
Empress Maruja
at
4:40 AM
0
ang tumalak
Mga Tsika: Annabelle Rama, Eksenang Kachipan, GMA
Sunday, August 5, 2007
Jennylyn Mercado, Ligtas (Daw) Mula sa Anti-Becky Drive ng GMA
Sinisiguro ng kinatawan ng GMA na hindi madadamay si Jennylyn Mercado mula sa "Anti-Becky Drive" ng GMA na kung saan pinagtatanggal ang lahat ng talent ni Becky Aguila na manager ni Angel Locsin. Tutuparin daw nila ang nakasaad sa kontrata ni Jennylyn na valid hanggang 2009.
Ngunit sa kabilang banda, frozen ang lahat ng TV guestings ni Jennylyn at wala ring tayong naririnig na upcoming project ang dalaga.
Tila hindi na-anticipate ni Becky na ganito ang magiging reaksyon ng GMA sa paglipat ni Angel Locsin sa ABS-CBN. Kung hindi ba puro commission lang ang nasa isip niya, malamang naisip niya rin itech, devah?
Sa ibang balita, maging ang kilalang "TY Doctor to the Stars" na si Dr. Manny Calayan ay pinutol na rin ang lahat ng endorsements ng mga talents ni Tiya Becky. Don't worry, mga bata. May Ellen's naman.
Natsismaks ni
Empress Maruja
at
10:28 AM
0
ang tumalak
Mga Tsika: Becky Aguila, GMA, Jennylyn Mercado
Saturday, August 4, 2007
Pambungad sa Umaga Blg. 1
Good morning! Mula kay...
Manilyn Reynes, bilang Corazon sa Marimar!
Natsismaks ni
Empress Maruja
at
8:41 AM
7
ang tumalak
Mga Tsika: GMA, Manilyn Reynes, Marimar, Pambungad sa Umaga
Sunday, July 29, 2007
GMA, Rumeresbak Laban Kay Tiya Becky!
Sa sobrang hindi matanggap ng GMA ang pag-alis ni Angel Locsin patungo sa ABS-CBN, at sa sobrang panggagalaiti nila sa kanyang manager na si Becky Aguila (nasa larawan), tila gumaganti ang GMA laban kay Tiya Becky sa pamamagitan ng pag-pullout ng mga talents niya sa Siyete!
Unang-una sa listahan si Charming Lagusad na naging sikat sa pagganap bilang batang Charming sa Bakekang. Inaalis na diumano ang character niya sa Boys Nxt Door, ang tanging show niya sa Kapuso Network.
"Hindi ko po alam," sey ng malungkot na Charming nang tanungin sa PEP. "Pero kung totoong aalisin ako sa show, maghihintay na lang ako ng next project. Ayoko sanang lumipat at kung mangyari 'yon, kung saan na lang ako dalhin."
Baka tanggalin na rin sa nasabing show si Justin Plummer, na talent din ni Tiya Becky, at maging si Valerie Concepcion ay walang pang upcoming project sa Siyete.
At maging si Ella Cruz (hindi Ella Guevarra na naunang napatsismaks) na gumanap na Tintin sa Super Twins--at talent din ni Becky--ay nawala na rin sa piling ng GMA. Lumipat na rin siya sa ABS-CBN bilang bida sa teleserye revival ng Anna Lisa. (Kung matatandaan, si Ella dapat ang gaganap na Anghelita sa "Mga Mata ni Anghelita.")
Ang tanging ligtas mula sa resbak na ito ay si Jennylyn Mercado, na diumano'y bibigyan ng sineserye version ng "Pasan Ko ang Daigdig." May exclusive contract siya sa GMA hanggang 2009.
Gaya nga ng sinabi ko noong nauna, sana huwag magmaasim ang GMA. Sana manatili silang professional at huwag personalin ang paglipat ni Angel. Huwag nang idamay ang iba pang talent na walang kinalaman sa sigalot upang hindi lumala ang isyu at para naman hindi kayo magmukhang masama sa mata ng mapanghusgang publiko.
Natsismaks ni
Empress Maruja
at
9:12 AM
0
ang tumalak
Mga Tsika: Charming Lagusad, Ella Cruz, GMA, Jennylyn Mercado, Justin Plummer, Valerie Concepcion
Kung Ako Sa GMA, Huwag Sana Silang Maasim
Magmula nang naging "confeermed" (mas confirm pa sa "confirm") ang paglipat ni Angel Locsin sa ABS-CBN, tila lumabas ang sunud-sunod na masasamang balita tungkol sa kanya. Kesyo inggrata siya, kesyo traydor.
Watch niyo naman ang reaction ni Tita Wilma Galvante, ang SVP for Entertainment ng Kapuso Network, kung paano manggalaiti right after ng interview sa The Buzz na kinatampukan ng manager at ama ni Angel. Kuha mula sa gmanews.tv.
Kalokah, davah?
Sana hindi niya sinabing ang GMA ang huling nakaalam sa paglipat. Sa tindi ba naman ng mga ugong-ugong at bulung-bulungan sa shoobis, maging sa pag-iiwasan nilang dalawa noong farewell party ng Asian Treasures, for sure naman na may nagaganap na.
Aba! Kahit nga aketch nakaalam ng paglipat ni Angel noong blind item palang itey!
Sana ma-realize ni Tita Wilma na sa panahon ngayon, lalo na pagdating sa trabaho at negosyo, wala nang utang na loob. Kapag lumipat pala ako ng kumpanya, inggrata din pala ang labas kay watashi? Siyempre wit noh?! Naghahanap ka lang ng mas mabuting trabaho, kaysa naman sa maburo ka sa iisang kumpanya na hindi ka man lang naggo-grow glow and go.
Kaya Tita Wilma, kung ako sa inyo, tama na ang pagiging maasim. Tigilan na po ang mga masasamanag balitang kumakalat sa mga chipipay na tabloid laban kay Angel. Let's move on, Tita, at patuloy na lang natin ang trabaho.
Don't get me wrong, I still watch GMA kahit na mas madalas na ang aking pagbabad sa cable, lalo na kapag "Mga Mata ni Anghelita" ang palabas (na siyang dahilan kung bakit nale-late ako sa work).
Again, Tita Wilma, huwag maasim. Dapat smile at maging sweet!
Natsismaks ni
Empress Maruja
at
6:02 AM
0
ang tumalak
Mga Tsika: Angel Locsin, GMA
Friday, July 27, 2007
Anne Curtis, Balik-Kapuso?
Kung may aalis ba, dapat ba may babalik?
Sa paglipat ni Angel Locsin sa ABS-CBN, saka naman nagsisulputan ang tsismaks na nililigawan daw ng GMA si Anne Curtis na dati nang nagtrabaho doon.
Ano 'yun, basketball trade?
Ang kuwento, in-offeran daw si Anne ng isang blankong tseke. Siya raw ang bahalang maglagay ng kanyang presyo.
Kung ako ang tatanungin, heto ang aking masasabi:
* Baka hindi ito totoo.
* Baka nag-aalok ang kampo ni Anne Curtis kaya may ganitong "feeler" na tsismaks.
Abangan na lang natin ang sey ni Anne kung sakaling tanunging siya sa...
DA BASZ! LIVE! EXCLUSIBO!
O siya, Tito Boy, magsalabat ka para hindi mapaos sa Linggo. CHING!
Natsismaks ni
Empress Maruja
at
11:17 PM
0
ang tumalak
Mga Tsika: ABS-CBN, Anne Curtis, GMA
Marian Rivera, Bagong Reyna ng GMA?
Pumirma kamakailan lang ng exclusive contract sa GMA si Marian Rivera, ang gaganap bilang Marimar sa Philippine version ng super-hit na telenovela.
Sa tadtad na mga press releases tungkol kay Marian at sa Marimar, hindi masyadong halatang siya na ang bini-build up ng Kapuso Network. "Marian is the next big star," sey nga ni Wilma Galvante.
So, ibig ring bang sabihin na siya ang pinapantapat ng GMA sa kanilang "prodigal dawter" na si Angel Locsin?
Basta ako, pupusta sa llamado...ay mali, sa dehado na lang...ay huwag na lang. Pwede bot?
Natsismaks ni
Empress Maruja
at
10:59 PM
0
ang tumalak
Mga Tsika: Angel Locsin, GMA, Marian Rivera