Nakakabagot na! Nakakasawa na!
Para bigyan ang ating mga giliw na mambabasa makabasa ng fresh na tsismaks sa lahat ng sulok ng showbiz, napagdesisyunan na hindi maghahayag ang Empress Balita ng kahit anumang bagong programa, pakulo, gimik, black propaganda, love tandem, love triangle, love quadrangle, sex scandals, at kung anu-ano pa mula kay Angel Locsin.
Ang simpleng lipatan ng network, na nagsimula lang sa bulung-bulungan ng mga talent manager, ay sobrang lumaki at lumawak ang isyu at lahat na nadamay na.Puwede nating ituro ang paninisi sa kanyang sakim na manager na si Tiya Becky Aguila (na kahit saan man anggulo kunan ay saksakan ng pangit, salamat po Ellen ba 'yan?), puwede rin nating ituro sa masyadong emosyonal na si Wilma Galvante ng GMA sa diumano'y pag-ulan ng nega tsismis laban sa aktres.
Ngunit sa totoo lang, ang paulit-ulit na balitang tungkol sa iisang isyu ay nakakasawa rin. Masyado nang nakarami ng exposure si Angel para sa kanyang napipintong red-carpet welcome ng ABS-CBN, na naisipan ni Empress Maruja na bigyan ng espasyo ang kanyang mga magigiliw na readers mula sa kabaliwang ito.
Kung nais niyo ng mga bagong balita mula kay Angel Locsin, sa PEP.ph muna kayo magtungo. Wala kayong maririnig tungkol kay Angel dito sa tsismaks blog na itets hanggang February 9, 2008.
Friday, August 10, 2007
Empress Balita, Nagtalaga ng 6-Month Ban Kay Angel Locsin!
Natsismaks ni
Empress Maruja
at
10:08 AM
0
ang tumalak
Mga Tsika: Angel Locsin, Becky Aguila, Wilma Galvante
Friday, August 3, 2007
Oh Kay Okray! Blg. 1
Sali na sa...
Tuwing Biyernes, may ipapakita akong komiks na blanko ang lobo. Mag-iwan ng talak (o comment) at gumawa ng pinakaokray na dialogue na may kinalaman sa mga artista o personalidad na nasa larawan.
Tuwing Lunes ay pipili ang inyong lingkod ng pinakaokray sa okray. Ang blogger mananalo (meaning may blog ka, teh!) ay bibigyan ng espeysyal na link sa sidebar.
Simple lang, devah? Kaya join ka na noh?!
Narito ang ating unang Oh Kay Okray Komiks:
Ano kaya ang okrayan nina Tita Wilma Galvante ng GMA at Tiya Becky Aguila na manager ni Angel Locsin?
Halimbawa na lang...
WILMA: Kahit ano'ng anggulo ang mukha mo, chaka ka pa rin!
BECKY: Aba! Nagsalita!
O, kayo naman! Mas creative, mas nakakatawa, mas kuwela, mas winner!
Kaya go! Umokray ka na, teh!
Natsismaks ni
Empress Maruja
at
12:27 PM
0
ang tumalak
Mga Tsika: Becky Aguila, Oh Kay Okray, Wilma Galvante