Your Ad Here

Tuesday, 31 July 2007

Judy Ann Santos, Nakialam sa Away ng Manyak

Tinulungan noong Sabado ni Judy Ann Santos ang kanyang kaibigang production designer na nasangkot sa bugbugang naganap sa isang bar sa Malate.

Habang nasa taping si Juday ay tumawag sa kanyang cellphone si Dante Nico Garcia. Ayon kay Garcia, pinukpok daw siya sa ulo gamit ang bote. Dahil diyan, napasugod sa O Bar Malate si Juday (bitbit ang co-star na si Derek Ramsay) at nakipagkita sa kanyang bugbog-saradong kaibigan. Kinumbinsi niya si Garcia na pumunta sa ospital upang magpa-checkup.

Ang hindi alam ni Juday, nasangkot sa pukpok-bugbugan galore si Garcia dahil diumano sa kanyang hindi maawat na kahalayan niya sa isang male ledge dancer sa nasabing bar. Ayon sa official statement ng O Bar, suspendido ngayon ang dancer ngunit hindi nila kinukunsinte ang maling gawain ni Garcia.

"We are all adults and are responsible for our actions," ang statement ng O Bar. "It's sad Mr. Garcia was not responsible enough."

Becky Aguila, Hindi raw Mukhang Pera

Pinabulaanan ng manager ni Angel Locsin na si Becky Aguila na hindi lang pera ang dahilan kung bakit napagdesisyunang ilipat ang kanyang premyadang alagang si Angel Locsin sa ABS-CBN.

Ayon sa kanyang interview sa The Buzz kamakailan, hindi lang dahil triple ang alok na pera ang ibibigay ng Kapamilya Network, kundi pati na raw ang malawak na oportunidad na maaaring maatim ni Angel kung sakaling maging Kapamilya siya.


Sige na nga...naniniwala kami.

Nine Takes Para sa Halikan? Utang na Loob!



Buong ipinagmalaki ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na inabot ng 9 na takes ang kissing scene nila ni Ara Mina para sa kanilang 2007 Metro Manila Film Festival entry na "Anak ng Kumander."

Ayon kay Manny, ito ay para maging "maayos" ang eksena. Wala po ang kanyang asawang si Jinky nang shinu-shoot ang eksena. Mabuti naman.

Baka kasi pati siya matawa. ETSOS!

(Ara, be thankful na 9 takes lang. Eh sa ibang shoot nga, 48 takes ang inaabot para sa kissing scene. Ay naku! Isang malaking GOOD LUCK, Mare!)

Sunday, 29 July 2007

GMA, Rumeresbak Laban Kay Tiya Becky!

Sa sobrang hindi matanggap ng GMA ang pag-alis ni Angel Locsin patungo sa ABS-CBN, at sa sobrang panggagalaiti nila sa kanyang manager na si Becky Aguila (nasa larawan), tila gumaganti ang GMA laban kay Tiya Becky sa pamamagitan ng pag-pullout ng mga talents niya sa Siyete!

Unang-una sa listahan si Charming Lagusad na naging sikat sa pagganap bilang batang Charming sa Bakekang. Inaalis na diumano ang character niya sa Boys Nxt Door, ang tanging show niya sa Kapuso Network.

"Hindi ko po alam," sey ng malungkot na Charming nang tanungin sa PEP. "Pero kung totoong aalisin ako sa show, maghihintay na lang ako ng next project. Ayoko sanang lumipat at kung mangyari 'yon, kung saan na lang ako dalhin."

Baka tanggalin na rin sa nasabing show si Justin Plummer, na talent din ni Tiya Becky, at maging si Valerie Concepcion ay walang pang upcoming project sa Siyete.

At maging si Ella Cruz (hindi Ella Guevarra na naunang napatsismaks) na gumanap na Tintin sa Super Twins--at talent din ni Becky--ay nawala na rin sa piling ng GMA. Lumipat na rin siya sa ABS-CBN bilang bida sa teleserye revival ng Anna Lisa. (Kung matatandaan, si Ella dapat ang gaganap na Anghelita sa "Mga Mata ni Anghelita.")

Ang tanging ligtas mula sa resbak na ito ay si Jennylyn Mercado, na diumano'y bibigyan ng sineserye version ng "Pasan Ko ang Daigdig." May exclusive contract siya sa GMA hanggang 2009.

Gaya nga ng sinabi ko noong nauna, sana huwag magmaasim ang GMA. Sana manatili silang professional at huwag personalin ang paglipat ni Angel. Huwag nang idamay ang iba pang talent na walang kinalaman sa sigalot upang hindi lumala ang isyu at para naman hindi kayo magmukhang masama sa mata ng mapanghusgang publiko.

Kung Ako Sa GMA, Huwag Sana Silang Maasim

Magmula nang naging "confeermed" (mas confirm pa sa "confirm") ang paglipat ni Angel Locsin sa ABS-CBN, tila lumabas ang sunud-sunod na masasamang balita tungkol sa kanya. Kesyo inggrata siya, kesyo traydor.

Watch niyo naman ang reaction ni Tita Wilma Galvante, ang SVP for Entertainment ng Kapuso Network, kung paano manggalaiti right after ng interview sa The Buzz na kinatampukan ng manager at ama ni Angel. Kuha mula sa gmanews.tv.


Kalokah, davah?

Sana hindi niya sinabing ang GMA ang huling nakaalam sa paglipat. Sa tindi ba naman ng mga ugong-ugong at bulung-bulungan sa shoobis, maging sa pag-iiwasan nilang dalawa noong farewell party ng Asian Treasures, for sure naman na may nagaganap na.

Aba! Kahit nga aketch nakaalam ng paglipat ni Angel noong blind item palang itey!

Sana ma-realize ni Tita Wilma na sa panahon ngayon, lalo na pagdating sa trabaho at negosyo, wala nang utang na loob. Kapag lumipat pala ako ng kumpanya, inggrata din pala ang labas kay watashi? Siyempre wit noh?! Naghahanap ka lang ng mas mabuting trabaho, kaysa naman sa maburo ka sa iisang kumpanya na hindi ka man lang naggo-grow glow and go.

Kaya Tita Wilma, kung ako sa inyo, tama na ang pagiging maasim. Tigilan na po ang mga masasamanag balitang kumakalat sa mga chipipay na tabloid laban kay Angel. Let's move on, Tita, at patuloy na lang natin ang trabaho.

Don't get me wrong, I still watch GMA kahit na mas madalas na ang aking pagbabad sa cable, lalo na kapag "Mga Mata ni Anghelita" ang palabas (na siyang dahilan kung bakit nale-late ako sa work).

Again, Tita Wilma, huwag maasim. Dapat smile at maging sweet!

Saturday, 28 July 2007

Winner Quote of the Week Blg. 1

Botong-boto ang lola ng Viva Hot Babe na si Sheree sa kanynag jowang si Gian Magdangal, runner-up sa Philippine Idol at isa sa mga performer sa Sobrang Okey Pare ng GMA.

Minsan ay hinanap ng lola ang apo kay Gian. Nasa isang movie si Sheree noong panahon na iyon.

Ang sagot ni Gian: "Andoon pa po sa set, nire-rape pa po siya."

Friday, 27 July 2007

Anne Curtis, Balik-Kapuso?

Kung may aalis ba, dapat ba may babalik?

Sa paglipat ni Angel Locsin sa ABS-CBN, saka naman nagsisulputan ang tsismaks na nililigawan daw ng GMA si Anne Curtis na dati nang nagtrabaho doon.

Ano 'yun, basketball trade?

Ang kuwento, in-offeran daw si Anne ng isang blankong tseke. Siya raw ang bahalang maglagay ng kanyang presyo.

Kung ako ang tatanungin, heto ang aking masasabi:

* Baka hindi ito totoo.

* Baka nag-aalok ang kampo ni Anne Curtis kaya may ganitong "feeler" na tsismaks.

Abangan na lang natin ang sey ni Anne kung sakaling tanunging siya sa...

DA BASZ! LIVE! EXCLUSIBO!

O siya, Tito Boy, magsalabat ka para hindi mapaos sa Linggo. CHING!

Marian Rivera, Bagong Reyna ng GMA?

Pumirma kamakailan lang ng exclusive contract sa GMA si Marian Rivera, ang gaganap bilang Marimar sa Philippine version ng super-hit na telenovela.

Sa tadtad na mga press releases tungkol kay Marian at sa Marimar, hindi masyadong halatang siya na ang bini-build up ng Kapuso Network. "Marian is the next big star," sey nga ni Wilma Galvante.

So, ibig ring bang sabihin na siya ang pinapantapat ng GMA sa kanilang "prodigal dawter" na si Angel Locsin?

Basta ako, pupusta sa llamado...ay mali, sa dehado na lang...ay huwag na lang. Pwede bot?

Mga (Pa)Mhin ng ABS, agawan buko kay Angel

Sa paglipat ni Angel Locsin sa ABS-CBN, naging excited tuloy ang mga nangungunang drama actors ng istasyon na makapareha ang dating Reyna ng GMA. Kunsabagay, magsasawa ka rin kung puro adobo ang putahe, hindi ba?

Sa ngayon, agawang buko ang mag-ex (ETSOS!) na sina Piolo Pascual at Sam Milby para maging leading man kay Angel. Isama mo pa ang papalicious na si Zanjoe Marudo. Pero ayon sa mga source, mukhang kay Papa Piolo na nga mapupunta ang award.

Paniguradong titiba ang ABS panigurado sa tandem na itets, dahil nga naman magkasama ang dalawa sa ilang mga bunggang product endorsements. Dagdagan mo pa ng mga solo endorsement commercials nila, day, uulan ng pera sa Mother Ignacia.

Pero may report akong nasagap na dalawang teleserye projects ang nakalinya kay Angel ngayon. Problema lang ay kung alin ang uunahin. Sa isang banda ang may tentative title na "Daddy's Angel" kung saan makakatrabaho daw ni Angel ang batikang aktor na si Christopher de Leon.

Samantala, ang magiging project ni Angel kay Piolo ang sineserye version ng "Pinulot Ka Lang Sa Lupa." Sinasabing kabilang dito sa project si Angelika de la Cruz.

Judy Ann Santos, Nangape?

Kasabay ng pagbandera ng Yes! Magazine kay Judy Ann Santos bilang cover girl ng kanilang "100 Most Beautiful in Philippine Showbiz" issue, ginawaran rin ng kanilang sister tsismis mag na Hi! ang Philippines' Drama Queen bilang kanilang main cover celeb.

Sa bagong isyu ng Hi! makikita si Juday na nag-ala Pussycat Doll sa kanyang short short attire na kinunan noong nakaraang buwan sa kanyang concert sa Araneta Coliseum bilang pagdiriwang sa kanyang 20 taon sa shoobis, with matching fishnet stockings at sandamakmak na pulang sequins.

"Matagal ko na pong gustong gawin ito...Pagbigyan niyo naman ako," lambing ni Juday habang pinapakita niya ang kanyang mega-improved na katawang produkto ng Fitrum at Forever Flawless (pero siguro mas tumalab ang sa Flawless, hindi epektib sa akin ang Fitrum).

Nang personal kong binaysung ang magasin ay medyo exclamation point ang audience impact. Nag-Starbucks daw ba si Judy Ann, tanong ng mga amiga.

Ang seiko lang, mukha naman bumagay kay Juday ang suot, basta ba huwag niyang gawin uli. Charing!