Your Ad Here

Friday, 12 October 2007

Si Jake Cuenca Ba Ang Bagong Carlos Agassi?



Noong unang panahon, kung maaalala ninyo, napakaraming projects ni Carlos Agassi sa ABS-CBN. Maliban sa kanyang pagiging host sa ASAP ay bida rin siya sa paulit-ulit na resurrection ng Punk'd wannabe show niya na "Victim" pati na rin sa ilang mga teleserye ng network.

Ang tanong: Ganoon ba siya katalented at kasikat para magkaroon ng maraming project?

Ang siste pala, umikot noong ang kuwentong si Carlos ang flavor of the month ng isang maimpluwensyang judinggerzie sa ABS-CBN. At mukhang totoo nga naman, kasi noong diumano'y nag-break ang dalawa, ni anino niya'y hindi mo na mahanap.

Pero ngayon, isang aktor ang may pinakamaraming shows sa ABS-CBN at hindi ito sina Aga Mulach, Jericho Rosales, Piolo Pascual, o maging si Dolphy.

Ang binabanggit ko ay si Jake Cuenca. Maliban sa Natutulog Ba Ang Diyos, kasama rin siya sa ASAP, Pedro Penduko, That's My Doc, Lastikman, at ang upcoming action-serye na Palos.

Ang tanong ngayon: Ganoon din ba siya katalented at kasikat para magkaroon ng maraming project?

Thursday, 11 October 2007

Sino Sa Dalawa Ang Maasim Ang Mukha?



Pinagsama sa bagong commercial ng Maxi-Peel sina Marian "Marimar" Rivera at ang beteranang endorser nito na si Kristine Hermosa. Pero sa likod ng kanilang mga ngiti't kariktan ay may namumuong tensyon pala noong shinu-shoot ang commercial na ito.

Ayon sa mga tsismosa sa parlor, habang kino-close-up daw si Marian ay mahilig daw magmaasim si Kristine. Nagme-make face daw ang beterana para raw mainis ang bagong reyna ng GMA, kaya lang si Marian susyal at dinedma lang ang gurami.

Pati tuloy mga ad agency people daw na naroon ay medyo na-turn off sa nangyari, kaya naman noong natapos na ang shoot ay todo papicture sila kay Marimar at dinedma talaga si Kristine.

Kristine, maliit lang ang showbiz. Baka balang araw magkatrabaho uli kayong dalawa at ikaw ang gaganap na nanay niya. CHEKA!

Wednesday, 10 October 2007

Gretchen Barretto Went Out On A Date



Isang araw, sa isang maaliwalas at susyal na lugar sa Metro Manila, may dalawang kamay na very romantic ang kapit.



Ay! Si Gretchen "Pantay Pa Rin Ang Skin Tone" Barretto pala! At ang sweht naman niya sa kanyang jowang si To...wait lang...



Hindi naman mestizo si Tonyboy Cojuangco huh! Baka lumagok ng maraming glutathione.

Natagpuan ni Empress Maruja ditets ang mga latest pictures ni Gretch. Kalat na raw itets sa mga e-mail.

O siya, abangan na lang natin ang kanyang exclusive explanation sa DA BAHSSSSS (huwag na sa Showbiz Central, Neh, may lie detector dun).