Tinulungan noong Sabado ni Judy Ann Santos ang kanyang kaibigang production designer na nasangkot sa bugbugang naganap sa isang bar sa Malate.
Habang nasa taping si Juday ay tumawag sa kanyang cellphone si Dante Nico Garcia. Ayon kay Garcia, pinukpok daw siya sa ulo gamit ang bote. Dahil diyan, napasugod sa O Bar Malate si Juday (bitbit ang co-star na si Derek Ramsay) at nakipagkita sa kanyang bugbog-saradong kaibigan. Kinumbinsi niya si Garcia na pumunta sa ospital upang magpa-checkup.
Ang hindi alam ni Juday, nasangkot sa pukpok-bugbugan galore si Garcia dahil diumano sa kanyang hindi maawat na kahalayan niya sa isang male ledge dancer sa nasabing bar. Ayon sa official statement ng O Bar, suspendido ngayon ang dancer ngunit hindi nila kinukunsinte ang maling gawain ni Garcia.
"We are all adults and are responsible for our actions," ang statement ng O Bar. "It's sad Mr. Garcia was not responsible enough."
Tuesday, July 31, 2007
Judy Ann Santos, Nakialam sa Away ng Manyak
Natsismaks ni
Empress Maruja
at
4:00 PM
0
ang tumalak
Mga Tsika: Eksenang Kachipan, Judy Ann Santos
Friday, July 27, 2007
Judy Ann Santos, Nangape?
Kasabay ng pagbandera ng Yes! Magazine kay Judy Ann Santos bilang cover girl ng kanilang "100 Most Beautiful in Philippine Showbiz" issue, ginawaran rin ng kanilang sister tsismis mag na Hi! ang Philippines' Drama Queen bilang kanilang main cover celeb.Sa bagong isyu ng Hi! makikita si Juday na nag-ala Pussycat Doll sa kanyang short short attire na kinunan noong nakaraang buwan sa kanyang concert sa Araneta Coliseum bilang pagdiriwang sa kanyang 20 taon sa shoobis, with matching fishnet stockings at sandamakmak na pulang sequins.
"Matagal ko na pong gustong gawin ito...Pagbigyan niyo naman ako," lambing ni Juday habang pinapakita niya ang kanyang mega-improved na katawang produkto ng Fitrum at Forever Flawless (pero siguro mas tumalab ang sa Flawless, hindi epektib sa akin ang Fitrum).
Nang personal kong binaysung ang magasin ay medyo exclamation point ang audience impact. Nag-Starbucks daw ba si Judy Ann, tanong ng mga amiga.
Ang seiko lang, mukha naman bumagay kay Juday ang suot, basta ba huwag niyang gawin uli. Charing!
Natsismaks ni
Empress Maruja
at
10:19 AM
0
ang tumalak
Mga Tsika: Judy Ann Santos