Balita mula kay Noel Asiñas, palamunin ng GMA:Natalo sa demandahan ang isa sa mga saksi ng ABS-CBN sa akusasyon nitong pagmamanipula ng ratings ng karibal nito na GMA Network. Ibinasura ng National Labor Relations Commission sa Bacolod ang kasong illegal dismissal na isinampa ni Donald Nojas na dating empleyado ng Regional GMA Network.
Ayon sa desisyon ni Labor Arbiter Romulo P. Sumilang, may katuwiran ang RGMA para tanggalin sa trabaho si Nojas. Inalis ng kumpanya si Nojas noong ika-30 ng Marso, 2007, dahil sa kasong sexual harassment, pagpapabaya sa trabaho, at kawalan ng tiwala at kumpyansa sa kanya ng kumpanya.
Nagsimula ang kasong sexual harassment kay Nojas nang maghain ng reklamo ang isang reporter ng RGMA noong Pebrero 2007 sa Assistant Prosecutor ng Bacolod City. Napatunayan din sa maraming pagkakataon ng RGMA na hindi inaasikaso ni Nojas ang kanyang trabaho dahil sa kanyang madalas na pag-absent sa trabaho nang walang inaprubahang pormal na paalam sa opisina.
Inilagay din ni Nojas sa alanganin ang interes ng RGMA nang magtrabaho siya bilang anchor ng isang programa sa isang kalabang istasyon habang konektado pa ito sa RGMA.
Ang sey ni Empress: Naku huh, tuluy-tuloy na kaya ang winning streak ng GMA sa Ratings Manipulation Saga na ito? At knowing ABS-CBN, siguradong may banat ang ABS-CBN sa isyung ito, kesyo may kamag-anak ang mga taga-National Labor Relations Commission na nasa GMA (na mapapanood sa XXX), o kaya may mga bahong itinatago ang mga humatol laban sa kanilang saksing si Nojas (na mapapanood sa TV Patrol World).
Sunday, July 20, 2008
Kaso ng saksi sa diumanong ratings manipulation ng GMA, talo sa Korte
Natsismaks ni
Empress Maruja
at
5:37 PM
0
ang tumalak
Mga Tsika: ABS-CBN, Eksenang Kaloka, GMA
Sa warlahang Claudine Barretto at Angel Locsin, alin ba ang totoo?
Balita mula sa Philippine Daily Inquirer na hinakot mula sa iba't ibang palamuning reporter:
Naging sanga-sangang balita ang isang simpleng sagutan nina Claudine Barretto at Angel Locsin sa parlor ng batikang celebrity stylist na si Pin Antonio. Naging iba-iba't salu-salungat na rin ang mga detalye sa kung ano nga ba ang nangyari sa parlor na iyon.
Ayon sa isang kuwento, lumapit ang bunso sa Barretto sisters sa aktres na huling gumanap ng Darna at tinanong kung totoo ang nababalitang umalis si Locsin sa poder ng kanyang manager na si Becky Aguila at lumipat na sa pangangalaga ni Malou Santos, ang managing director ng Star Cinema. Dagdag pa ni Claudine na nalaman niya ito mula sa make-up artist sa parlor na nag-aayos sa kanya.
Itinanggi naman ni Angel ang balita, ngunit naging balisa raw siya. Sinundan daw niya si Claudine nang lumabas ito sa parlor at nagpahangin. Dito raw nagpang-abot ang kanilang taasan ng boses at sagutan, kabilang na rito ang nabalitang mga binitawang salita ni Claudine na hindi si Angel ang prinsesa ng ABS-CBN kundi si Bea Alonzo. Sumagot naman daw si Angel na inggit lang daw ang mga "losyang" ng ABS-CBN gaya nina Claudine at Kristine Hermosa sa kanyang paglipat sa Kapamilya Station.
Sa sobrang galit daw ni Angel, bumalik ito sa parlor at pinagdiskitahan ang make-up artist na nagkuwento ng balita kay Claudine. Sinigaw-sigawan niya ang parlorista, dinuro-duro, sabay sipa sa isang silya sa salon.
Mayroon namang isang bersyon na nagreklamo kay Claudine na naroon sa parlor ang isang attendant ng establisyimiyento nito sa paninigaw sa kanya ni Angel na naroon din. Lumapit si Claudine kay Angel upang pagsabihan ngunit nagtaas daw ng boses ang huli sa pagsagot.
At may isa pang kuwento na kung saan daw si Angel naman ang kumumpronta kay Claudine dahil siya raw ang nagkakalat ng balitang kaya lang daw sunud-sunod ang mga project ni Angel dahil diumano'y "alaga na siya" ng isang mataas na executive sa Dos.
Hindi laman iyan ang kumakalat ngayon. Ayon sa ilang mga taga-showbiz, bawal na raw magtrabaho ang lahat ng mga talentong hawak ni Becky Aguila sa lahat ng mga teleserye't pelikulang pagbibidahan ni Claudine.
Ang sey ni Empress: Akala ko ang mga balitang gaya ng "Sagutan sa Parlor" na ito'y para lamang sa mga katsipang starlet na gumagawa ng mga iskandalo't eksena para lamang mapabalita sa mga walang kasing cheap na tabloid. Kaloka huh!
Natsismaks ni
Empress Maruja
at
4:20 PM
0
ang tumalak
Mga Tsika: ABS-CBN, Angel Locsin, Becky Aguila, Claudine Barretto, Eksenang Kachipan
Friday, July 18, 2008
Kimerald Fans, ayaw sa mga baguhan para sa My Girl
Balita mula kay Nora Calderon, palamunin ng ABS-CBN:
Nagalit ang mga fan nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa pagsali ng mga finalist ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus na sina Robi Domingo, Nicole Uysiuseng, at Josef Elizalde sa adaptation ng Koreanovelang My Girl. Anila, tama na raw na ang mga idol nila ang magbida sa teleserye to the point na nagpadala pa talaga sila ng hate mail sa ABS-CBN para ipakita ang kanilang mga ngitngit at galit.
Ngunit hindi nagwagi ang kampanya ng mga fan dahil natuloy rin ang pagganap ng tatlong baguhan sa palabas. Nagbigay rin ng pahayag ang Kimerald na tama lang na bigyan sila ng suporta gaya ng pagsuporta ng mga tagahanga sa kanila noong nagsisimula pa lamang sila sa showbiz.
Ang sey ni Empress: Kalokang mga fan 'yan huh. Idikta ba sa ABS-CBN kung ano ang gusto nila? Ako nga kuntodo ngitngit sa pagiging PANGIT ng Pinoy Idol sa GMA pero nakinig ba sila? Hmph!
(Photo courtesy of Philippine Entertainment Portal)
Natsismaks ni
Empress Maruja
at
5:53 AM
2
ang tumalak
Mga Tsika: ABS-CBN, Gerald Anderson, Josef Elizalde, Kim Chiu, Nicole Uysiuseng, Robi Domingo
Wednesday, July 16, 2008
Gretchen Barretto, gumanap bilang kabit
"Very challenging" ang role ni Gretchen Barretto sa bagong episode ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN na ipapalabas sa Sabado, July 19. Bilang bahagi ng 17th anniversary ng programa, gumanap si Greta bilang kabit ng isang mayor.
Ani Greta, ang kuwento bilang "the other lady" ay personal pa niyang pinili mula sa tatlong storyline na inalok sa kanya. Dagdag pa niya na hindi siya interesadong maging isang kabit in real life.
"Ayokong maging kabit, 'yun lang," pahayag ni Gretchen sa presscon ng palabas.
Ang sey ni Empress: Well Ms. Barretto, hindi pa annulled ang kasal ng iyong Papa-sang si Tony Boy Cojuangco. Ano ang tawag sa 'yo kung ganoon?
Natsismaks ni
Empress Maruja
at
1:37 AM
0
ang tumalak
Mga Tsika: ABS-CBN, Gretchen Barretto
Balitang paglipat ni Lorna Tolentino sa ABS-CBN, press release lang ba?
Umiikot sa maliit na mundo na kashowbisan ang balitang baka tumalon sa ABS-CBN si Lorna Tolentino. Kasalukuyan siyang nasa GMA bilang isa sa mga host ng Startalk at paminsan-minsan paglabas sa mga teleserye. Ilang linggo na lang ang binibilang bago mapanis ang kontrata niya sa GMA.
Ayon sa press release ng mga reporter na palamunin ng ABS-CBN, ang guesting diumano ni LT sa variety show na ASAP ang hudyat ng kanyang paglipat sa Kapamilya Network. Samantala, kinontra naman ito ng mga reporter na palamunin ng GMA at nagsabing press release lang daw iyan. Wala pa naman daw inaalok ang ABS-CBN sa asawa ng namayapang si Rudy Fernandez.
Ang sey ni Empress: Baka naman hinahayaan lang ni Tita Lorna na magpataasan ng offer ang dalawang ganid na istasyon, tapos pipili na lang siya kung alin ang tatanggapin niya paglagpas ng "Forty Days." Malas nga naman kasi mag-isip ng pera sa panahong iyan.
Natsismaks ni
Empress Maruja
at
1:17 AM
0
ang tumalak
Mga Tsika: ABS-CBN, GMA, Lorna Tolentino
Sunday, August 5, 2007
Roxanne Guinoo, Tanggap ang Pagkatsugi sa Wowowee
Hindi minasama ni Roxanne Guinoo ang pagkakatanggal sa kanya sa Wowowee (pero siyempre idinaan niya ito sa balde-baldeng pag-iyak sa dressing room). Ayon sa management ng nasabing noontime variety show, concerned lang daw sila sa kanyang health lalo na't dalawang teleserye ang kanyang raket ngayon sa ABS-CBN.
Oo nga naman, baka nga naman kasi sa sobrang pagod niya't magwala rin siya sa set at manigaw ng staff, tapos ireklamo rin niya kung bakit mababa ang TF niya kumpara sa ibang mga artista, at maging dahilan ng paglipat niya sa kabila.
Magka-level na pala sila ni Angel Locsin, ano? Sino ang umangat? Sino ang bumaba? Hmmm...
Natsismaks ni
Empress Maruja
at
10:12 AM
0
ang tumalak
Mga Tsika: ABS-CBN, Roxanne Guinoo
Thursday, August 2, 2007
ABS-CBN, Sinasadyang Ipa-ban ang Margarita?
Bakit nga ba sa lahat ng oras na puwedeng magpalabas ng isang teleserye tungkol sa isang showgirl ay naisipan ng ABS-CBN na ilagay ang "Margarita" alas-sais ng gabi?
Simple, mga Katsismaks. Tila sinasadya ng ABS-CBN na mapansin ang Margarita ng MTRCB.
Dahil kung papalag ang censors (classification daw, sabi ni Tita Laguardia) at magiging suspended ang palabas for "indecency" at "immorality" chuchu, aba, mababalita na naman ang pinakakinasuklam noong Pinoy Big Brother Season 2.
At kapag kumalat ang balitang suspension sa mga chipanggang tabloid, magiging usap-usapan ito. Maging curious na naman ang mga utaw na panoorin ang Margarita, kahit na hate na hate nila ang bida nito.
Kapag maraming nanood, ibig sabihin tataas din ang ratings. Tataas ang ratings, sisikat ang show.
At kapag sumikat itets (please lang huh!), eh di para na ring sinabi ng ABS-CBN na uto-uto ang mga manonood.
Bakit nga ba kayo manonood ng Margarita kung ayaw niyo kay Wendy Valdez, aber?
Natsismaks ni
Empress Maruja
at
8:25 AM
3
ang tumalak
Mga Tsika: ABS-CBN, Wendy Valdez
Wednesday, August 1, 2007
Roxanne Guinoo, Tsugi sa Wowowee!
Pinalitan ng Kapuso star na si Valerie Concepcion, na alaga rin ni Becky Aguila (gumaganti lola niyo huh!), ang "naglalambing" na si Roxanne Guinoo sa pagiging co-host sa Wowowee.
Ayon sa PEP, "hectic" daw ang schedule ni Roxanne, lalo na sa pag-shooting ng kanyang teleseryeng "Natutulog ba ang Diyos."
Kalokah huh! Parang isang show lang magiging ganoong ka-hectic na ang schedule niya?
Baka naman kinulangan lang siya sa lambing. Che!
Natsismaks ni
Empress Maruja
at
4:36 PM
0
ang tumalak
Mga Tsika: ABS-CBN, Roxanne Guinoo, Valerie Concepcion
Sandara Park, Nag-Alsa Balutan Pauwi ng Korea
Unang nabasa sa PEP ang nakakagimbal (nga ba?) na balitang tigil-showbiz ang Pambansang Krung-Krung na si Sandara Park at lumipad na patungong Korea kani-kanila lang.
Plano niyang magtrabaho sa kanyang bansa upang mapag-aral ang kanyang mga kapatid.
Inilihim niya sa kanyang mga kaibigan at fans ang kanyang paglisan hanggang kahapon lang. Ayon sa kanya, ayaw niyang magkaroon pa ng iyakan sa araw ng pag-alis niya. Nakipagkita pa siya sa kanyang mga fans sa huling pagkakataon sa Greenhills.
Ayon kay Park, kaya niya napagdesisyunang umuwi na sa Korea dahil wala na siyang giangawang projects dito. Huli siyang nakita sa telebisyon bilang cast ng "Kemis" sa RPN-9 na tumagal lang ng tatlong buwan. Nagtapos na rin ang kanyang kontrata sa Star Magic at tila walang indikasyon mula sa talent arm ng ABS-CBN i-renew pa ito.
Dagdag pa ni Sandara na nalungkot siya sa aniya'y "paglaho ng mga kaibigan sa oras ng pangangailangan."
Produkto si Park ng first season ng "Star Circle Quest," ang naging pantapat ng ABS-CBN sa "StarStruck" ng GMA, kung saan naging runner-up siya ni Hero Angeles.
Naging usap-usapan agad ang balitang ito pagkatapos na pagkatapos ibandera sa Internet. Ayon sa isang banda, pinatunayan lang daw ng Kapamilya Network kung papaano sila mag-alaga ng talent. Pipigain hanggang sikat, itatapon na lang kapag ubos na ang katas.
Samantala, nanghihinayang naman ang mga tagahanga ni Park. Malaki na raw ang na-improve niya sa pag-arte. Nagbabakasakali sila na sana'y ipagpatuloy niya ang kanyang showbiz career sa Korea, kahit na mas matindi pa roon ang kompetisyon.
Natsismaks ni
Empress Maruja
at
3:54 PM
0
ang tumalak
Mga Tsika: ABS-CBN, Sandara Park
Tuesday, July 31, 2007
Becky Aguila, Hindi raw Mukhang Pera
Pinabulaanan ng manager ni Angel Locsin na si Becky Aguila na hindi lang pera ang dahilan kung bakit napagdesisyunang ilipat ang kanyang premyadang alagang si Angel Locsin sa ABS-CBN.
Ayon sa kanyang interview sa The Buzz kamakailan, hindi lang dahil triple ang alok na pera ang ibibigay ng Kapamilya Network, kundi pati na raw ang malawak na oportunidad na maaaring maatim ni Angel kung sakaling maging Kapamilya siya.
Sige na nga...naniniwala kami.
Natsismaks ni
Empress Maruja
at
3:20 PM
0
ang tumalak
Mga Tsika: ABS-CBN, Becky Aguila
Friday, July 27, 2007
Anne Curtis, Balik-Kapuso?
Kung may aalis ba, dapat ba may babalik?
Sa paglipat ni Angel Locsin sa ABS-CBN, saka naman nagsisulputan ang tsismaks na nililigawan daw ng GMA si Anne Curtis na dati nang nagtrabaho doon.
Ano 'yun, basketball trade?
Ang kuwento, in-offeran daw si Anne ng isang blankong tseke. Siya raw ang bahalang maglagay ng kanyang presyo.
Kung ako ang tatanungin, heto ang aking masasabi:
* Baka hindi ito totoo.
* Baka nag-aalok ang kampo ni Anne Curtis kaya may ganitong "feeler" na tsismaks.
Abangan na lang natin ang sey ni Anne kung sakaling tanunging siya sa...
DA BASZ! LIVE! EXCLUSIBO!
O siya, Tito Boy, magsalabat ka para hindi mapaos sa Linggo. CHING!
Natsismaks ni
Empress Maruja
at
11:17 PM
0
ang tumalak
Mga Tsika: ABS-CBN, Anne Curtis, GMA
Mga (Pa)Mhin ng ABS, agawan buko kay Angel
Sa paglipat ni Angel Locsin sa ABS-CBN, naging excited tuloy ang mga nangungunang drama actors ng istasyon na makapareha ang dating Reyna ng GMA. Kunsabagay, magsasawa ka rin kung puro adobo ang putahe, hindi ba?
Sa ngayon, agawang buko ang mag-ex (ETSOS!) na sina Piolo Pascual at Sam Milby para maging leading man kay Angel. Isama mo pa ang papalicious na si Zanjoe Marudo. Pero ayon sa mga source, mukhang kay Papa Piolo na nga mapupunta ang award.
Paniguradong titiba ang ABS panigurado sa tandem na itets, dahil nga naman magkasama ang dalawa sa ilang mga bunggang product endorsements. Dagdagan mo pa ng mga solo endorsement commercials nila, day, uulan ng pera sa Mother Ignacia.
Pero may report akong nasagap na dalawang teleserye projects ang nakalinya kay Angel ngayon. Problema lang ay kung alin ang uunahin. Sa isang banda ang may tentative title na "Daddy's Angel" kung saan makakatrabaho daw ni Angel ang batikang aktor na si Christopher de Leon.
Samantala, ang magiging project ni Angel kay Piolo ang sineserye version ng "Pinulot Ka Lang Sa Lupa." Sinasabing kabilang dito sa project si Angelika de la Cruz.
Natsismaks ni
Empress Maruja
at
10:03 PM
0
ang tumalak
Mga Tsika: ABS-CBN, Angel Locsin, Piolo Pascual