Your Ad Here

Friday, July 18, 2008

Kimerald Fans, ayaw sa mga baguhan para sa My Girl

Balita mula kay Nora Calderon, palamunin ng ABS-CBN:



Nagalit ang mga fan nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa pagsali ng mga finalist ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus na sina Robi Domingo, Nicole Uysiuseng, at Josef Elizalde sa adaptation ng Koreanovelang My Girl. Anila, tama na raw na ang mga idol nila ang magbida sa teleserye to the point na nagpadala pa talaga sila ng hate mail sa ABS-CBN para ipakita ang kanilang mga ngitngit at galit.

Ngunit hindi nagwagi ang kampanya ng mga fan dahil natuloy rin ang pagganap ng tatlong baguhan sa palabas. Nagbigay rin ng pahayag ang Kimerald na tama lang na bigyan sila ng suporta gaya ng pagsuporta ng mga tagahanga sa kanila noong nagsisimula pa lamang sila sa showbiz.

Ang sey ni Empress: Kalokang mga fan 'yan huh. Idikta ba sa ABS-CBN kung ano ang gusto nila? Ako nga kuntodo ngitngit sa pagiging PANGIT ng Pinoy Idol sa GMA pero nakinig ba sila? Hmph!

(Photo courtesy of Philippine Entertainment Portal)

2 comments:

reyna elena said...

GOSHHH! ANG CUTE NYA EMPRESS!!! GRRR!!! WISH KONG PAKASALAN YANG GERALD NA YANNNN!!!!

Empress Maruja said...

Mare, kahit hindi mo na pakasalan, dahil nasusungkit daw (daw huh... daw) si Gerald Anderson sa halagang...

25 kyawsand

Tutal, isa kang mayamang blogger, can afford mo na siguro 'yan. Charity!