Balita mula kay Julie Bonifacio, palamunin ng ABS-CBN:
Marami ang nag-aalangan kung papatok nga ba sa takilya ang tambalang Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz sa pelikulang "A Very Special Love" ng Star Cinema at Viva Films na ipapalabas sa July 30. Sa mga nagawang pelikula kasi ni Sarah, ni isa walang masasabing naging blockbuster ito. Dahil dito, hindi sigurado ng ilang taga-showbiz kung hihilahin siya'ng pataas ng kasalukuyang Box Office King na si John Lloyd o hihilahin niya ang kasikatan ng aktor nang pababa.
Buong pagtatanggol naman ang ginawa ni John Lloyd sa press nang itanong sa kanya ang isyung ito. Aniya, "Kahit (sa) ano namang pelikula, kahit na sabihin mong nasa estado ka na ni Sharon Cuneta o ni Boyet de Leon o ni Ate Vi (Vilma Santos), kailangang-kailangan mo ng tulong mula sa co-stars mo. Hindi puwedeng ikaw lang."
Kumpyansa sina John Lloyd, Sarah, at maging ang buong production team ng "A Very Special Love" na tatangkilikin ito nang husto ng mga tao.
Ang sey ni Empress: Kahit anuman ang mangyari, dapat sana maging totoo ang Star Cinema sa pag-reveal kung magkano ang kinita ng "A Very Special Love" sa unang linggo nito. Baka naman kasi may padding na maganap, gaya ng ginawa ng iba pang film company diyan para hindi mapahiya ang kanilang mga gurang na artista.
Sunday, July 20, 2008
Box-office appeal ni Sarah Geronimo, kinukuwestiyon
Natsismaks ni Empress Maruja at 5:05 PM
Mga Tsika: John Lloyd Cruz, Sarah Geronimo, Star Cinema
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment