Balita mula kay Noel Asiñas, palamunin ng GMA:
Natalo sa demandahan ang isa sa mga saksi ng ABS-CBN sa akusasyon nitong pagmamanipula ng ratings ng karibal nito na GMA Network. Ibinasura ng National Labor Relations Commission sa Bacolod ang kasong illegal dismissal na isinampa ni Donald Nojas na dating empleyado ng Regional GMA Network.
Ayon sa desisyon ni Labor Arbiter Romulo P. Sumilang, may katuwiran ang RGMA para tanggalin sa trabaho si Nojas. Inalis ng kumpanya si Nojas noong ika-30 ng Marso, 2007, dahil sa kasong sexual harassment, pagpapabaya sa trabaho, at kawalan ng tiwala at kumpyansa sa kanya ng kumpanya.
Nagsimula ang kasong sexual harassment kay Nojas nang maghain ng reklamo ang isang reporter ng RGMA noong Pebrero 2007 sa Assistant Prosecutor ng Bacolod City. Napatunayan din sa maraming pagkakataon ng RGMA na hindi inaasikaso ni Nojas ang kanyang trabaho dahil sa kanyang madalas na pag-absent sa trabaho nang walang inaprubahang pormal na paalam sa opisina.
Inilagay din ni Nojas sa alanganin ang interes ng RGMA nang magtrabaho siya bilang anchor ng isang programa sa isang kalabang istasyon habang konektado pa ito sa RGMA.
Ang sey ni Empress: Naku huh, tuluy-tuloy na kaya ang winning streak ng GMA sa Ratings Manipulation Saga na ito? At knowing ABS-CBN, siguradong may banat ang ABS-CBN sa isyung ito, kesyo may kamag-anak ang mga taga-National Labor Relations Commission na nasa GMA (na mapapanood sa XXX), o kaya may mga bahong itinatago ang mga humatol laban sa kanilang saksing si Nojas (na mapapanood sa TV Patrol World).
Sunday, July 20, 2008
Kaso ng saksi sa diumanong ratings manipulation ng GMA, talo sa Korte
Natsismaks ni Empress Maruja at 5:37 PM
Mga Tsika: ABS-CBN, Eksenang Kaloka, GMA
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment