Your Ad Here

Thursday, August 2, 2007

ABS-CBN, Sinasadyang Ipa-ban ang Margarita?

Bakit nga ba sa lahat ng oras na puwedeng magpalabas ng isang teleserye tungkol sa isang showgirl ay naisipan ng ABS-CBN na ilagay ang "Margarita" alas-sais ng gabi?

Simple, mga Katsismaks. Tila sinasadya ng ABS-CBN na mapansin ang Margarita ng MTRCB.

Dahil kung papalag ang censors (classification daw, sabi ni Tita Laguardia) at magiging suspended ang palabas for "indecency" at "immorality" chuchu, aba, mababalita na naman ang pinakakinasuklam noong Pinoy Big Brother Season 2.

At kapag kumalat ang balitang suspension sa mga chipanggang tabloid, magiging usap-usapan ito. Maging curious na naman ang mga utaw na panoorin ang Margarita, kahit na hate na hate nila ang bida nito.

Kapag maraming nanood, ibig sabihin tataas din ang ratings. Tataas ang ratings, sisikat ang show.

At kapag sumikat itets (please lang huh!), eh di para na ring sinabi ng ABS-CBN na uto-uto ang mga manonood.

Bakit nga ba kayo manonood ng Margarita kung ayaw niyo kay Wendy Valdez, aber?

3 comments:

Unknown said...

eh lokaloka ka pala eh.. bakit ba pnapanood ang artista sa tv?? DAHIL MAGALING SILANG UMARTE AT MAGANDA ANG CONCEPT. HINDI dahil maganda at sexy ung star!! ano ngayon kung maarte sha kung bad girl sha e kung marunong nmn umarte diba.. n this concerns everything that you see on tv.. not just margarita. for example.. sa GMA i dont watch SIS kse hindi sila magaling mag host.. binabasa lhat ang sinasabi. i watch Boy n Kris kahit ayaw ko personally ang ugali ni Kris pero effective shang host.. u get it.?? its not about their personal stature.. judge mo sila sa performance hidi sa ugali. be more mature sa judgement mo please lng... kse u sound like a kid eh.

Empress Maruja said...

Ati, kaya mo pala like si Wendy dahil magaling siyang UMARTE sa PBB Season 2. Ganoon ba? Kalokah!

Anonymous said...

nanonnod ang mga haters dahil masyadong loyal sa network. kahit siguro si palito, bentong at zorayda nalang ang talents nila, manonood pa rin yang mga loyal na yan.. sobrang ka-cheapan, pagtyagaan raw ba ang isang wendy valdez para lang masabing loyal na kapamilya?