Your Ad Here

Friday, August 10, 2007

Lea Salonga, Nagmaasim sa ASAP!

Una sa lahat, isang abiso.



Pinapayuhan ng Google na MAARING MAPANGANIB SA INYONG COMPUTER ang pagdalaw sa leasalonga.com. I-click ang larawan nang mabasa ang mga detalye.

Kalokah!

*****



Hindi tumalab ang Happee Smile ni Lea Salonga noong ginawan siya ng tribute ng ASAP sa ABS-CBN kamakailan. Nakita siya nang ilang beses na tila hindi natutuwa sa mga performance nina Sheryn Regis, Rachel Ann Go, at iba pang mga Champions, sa saliw ng kanyang mga di-malilimutang Broadway performance.

Inamin ni Lea minsan na kapag nakakarinig diumano siya ng isang palyadong nota ay napapa-"twitch" ang ulo niya, at tila sa video na ito'y pinipilit niyang huwag magpakita ng dismaya sa bersyon ni Sheryn Regis sa "On My Own" ng "Les Miserables."




Hindi rin ligtas sina Rachel Ann Go sa pagmamasungit ng Tony Awardee.



Ngunit sa kabilang banda, tila hindi napansin ng mga fans ang kakaibang reaksyon ni Salonga.

"I think sabi ni Lea, 'Jesus,'" say ng isang fan ni Sheryn sa isang comment sa YouTube. "I think na na-impress talaga siya don sa pagkanta ni Sheryn, doon sa may part na 'known'... heheh..."

2 comments:

Unknown said...

I think she was just listening intently. Ganda ng makeup niya!

Anonymous said...

lately lang ba 'to? kasi i remembered the same tribute for her and she does show talaga signs na nangingiwi pag feeling nya sesemplang yung kumakanta. kahit ikaw pag tinitingnan mo sya habang may kumakanta ng song nya mahahawa ka. totoo namang parang nanganganib yung kumakanta pag kanta ni lea ang binabanatan. aba'y natural lang yun...

hahahahha!tense ba!