Balita mula kay Rose Garcia, palamunin ng PEP:
(Take note, hindi kopyado mula sa source ang mga balitang sinusulat ko ditets. Baka sakaling may magsumbong ng plagiarism, mahirap na noh!)
Kumalat ang balitang gumana diumano ang "Kapuso Off Lotion" na nilagay si Pinoy Big Brother celebrity housemate na si Riza Santos sa kanyang balat kung kaya niya pinansin ang mga GMA starlets na sina Katrina Halili, Alyssa Alano, Iwa Moto, at LJ Reyes sa nakalipas na event ng FHM noong July 17 sa World Trade Center.
Ayon kay Katrina, ngumiti raw siya kay Riza ngunit hindi raw ito sinuklian ng dating Miss Earth-Canada. Ganito rin daw ang kuwento sa kanya ng mga kasamang starlet sa Kapuso station, na hindi raw friendliness is next to godliness ang Kapamilya starlet sa mga artista mula sa kabilang istasyon.
Sa panayam naman kay Riza, busy lang daw siya noong panahong iyon at pinagdiinang hindi niya inisnab ang lahaaaaaaat ng mga Kapuso stars na naroon sa event.
Ang sey ni Empress: Kalokang kabisihan 'yan. Hay naku Katrina, deadma mo na lang 'yan. Two-time winner ka sa FHM Philippines' Finest noh, huwag mong ibaba ang level mo sa... sino siya? Simula pa lang nga ng PBB Celebrity Edition na kung saan kasama si Riza, ang tanong talaga ng bayan: "Nasaan ang celebrity?"
(Image courtesy of Regal Films)
Wednesday, July 23, 2008
Paki Ko Ditets: Riza Santos, masyadong "sikat" kaya pa-diva na ang ugali
Natsismaks ni Empress Maruja at 4:27 PM 0 ang tumalak
Mga Tsika: Eksenang Kachipan, Katrina Halili, Paki Ko Ditets, Riza Santos
Pinoy Idol, minamadali na ba dahil PANGIT?
Balitang nasagap lang, hindi pinalamon ng pancit canton at orange juice:
Gaano ba katotoo na simula ngayong Linggo, July 27, dala-dalawa na ang tatanggalin sa Pinoy Idol hanggang umabot sa Final 2? Ayon sa tsismaks, dalawang linggong "double eliminations" ang magaganap na susundan naman ng isang solong tsugian hanggang dalawang contestant na lang ang matira't maglalaban-laban sa August 16.
Ang sey ni Empress: Ayan kasi, minamadali nang tapusin ng GMA Network ang naaaaapakapangit na Pinoy Idol. Karma ang tawag diyan... karma! Mang-agaw kasi ng franchise ng may franchise, che!
Natsismaks ni Empress Maruja at 4:13 PM 0 ang tumalak
Mga Tsika: GMA, Pinoy Idol
Sunday, July 20, 2008
Kaso ng saksi sa diumanong ratings manipulation ng GMA, talo sa Korte
Balita mula kay Noel Asiñas, palamunin ng GMA:
Natalo sa demandahan ang isa sa mga saksi ng ABS-CBN sa akusasyon nitong pagmamanipula ng ratings ng karibal nito na GMA Network. Ibinasura ng National Labor Relations Commission sa Bacolod ang kasong illegal dismissal na isinampa ni Donald Nojas na dating empleyado ng Regional GMA Network.
Ayon sa desisyon ni Labor Arbiter Romulo P. Sumilang, may katuwiran ang RGMA para tanggalin sa trabaho si Nojas. Inalis ng kumpanya si Nojas noong ika-30 ng Marso, 2007, dahil sa kasong sexual harassment, pagpapabaya sa trabaho, at kawalan ng tiwala at kumpyansa sa kanya ng kumpanya.
Nagsimula ang kasong sexual harassment kay Nojas nang maghain ng reklamo ang isang reporter ng RGMA noong Pebrero 2007 sa Assistant Prosecutor ng Bacolod City. Napatunayan din sa maraming pagkakataon ng RGMA na hindi inaasikaso ni Nojas ang kanyang trabaho dahil sa kanyang madalas na pag-absent sa trabaho nang walang inaprubahang pormal na paalam sa opisina.
Inilagay din ni Nojas sa alanganin ang interes ng RGMA nang magtrabaho siya bilang anchor ng isang programa sa isang kalabang istasyon habang konektado pa ito sa RGMA.
Ang sey ni Empress: Naku huh, tuluy-tuloy na kaya ang winning streak ng GMA sa Ratings Manipulation Saga na ito? At knowing ABS-CBN, siguradong may banat ang ABS-CBN sa isyung ito, kesyo may kamag-anak ang mga taga-National Labor Relations Commission na nasa GMA (na mapapanood sa XXX), o kaya may mga bahong itinatago ang mga humatol laban sa kanilang saksing si Nojas (na mapapanood sa TV Patrol World).
Natsismaks ni Empress Maruja at 5:37 PM 0 ang tumalak
Mga Tsika: ABS-CBN, Eksenang Kaloka, GMA
Box-office appeal ni Sarah Geronimo, kinukuwestiyon
Balita mula kay Julie Bonifacio, palamunin ng ABS-CBN:
Marami ang nag-aalangan kung papatok nga ba sa takilya ang tambalang Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz sa pelikulang "A Very Special Love" ng Star Cinema at Viva Films na ipapalabas sa July 30. Sa mga nagawang pelikula kasi ni Sarah, ni isa walang masasabing naging blockbuster ito. Dahil dito, hindi sigurado ng ilang taga-showbiz kung hihilahin siya'ng pataas ng kasalukuyang Box Office King na si John Lloyd o hihilahin niya ang kasikatan ng aktor nang pababa.
Buong pagtatanggol naman ang ginawa ni John Lloyd sa press nang itanong sa kanya ang isyung ito. Aniya, "Kahit (sa) ano namang pelikula, kahit na sabihin mong nasa estado ka na ni Sharon Cuneta o ni Boyet de Leon o ni Ate Vi (Vilma Santos), kailangang-kailangan mo ng tulong mula sa co-stars mo. Hindi puwedeng ikaw lang."
Kumpyansa sina John Lloyd, Sarah, at maging ang buong production team ng "A Very Special Love" na tatangkilikin ito nang husto ng mga tao.
Ang sey ni Empress: Kahit anuman ang mangyari, dapat sana maging totoo ang Star Cinema sa pag-reveal kung magkano ang kinita ng "A Very Special Love" sa unang linggo nito. Baka naman kasi may padding na maganap, gaya ng ginawa ng iba pang film company diyan para hindi mapahiya ang kanilang mga gurang na artista.
Natsismaks ni Empress Maruja at 5:05 PM 0 ang tumalak
Mga Tsika: John Lloyd Cruz, Sarah Geronimo, Star Cinema
Sa warlahang Claudine Barretto at Angel Locsin, alin ba ang totoo?
Balita mula sa Philippine Daily Inquirer na hinakot mula sa iba't ibang palamuning reporter:
Naging sanga-sangang balita ang isang simpleng sagutan nina Claudine Barretto at Angel Locsin sa parlor ng batikang celebrity stylist na si Pin Antonio. Naging iba-iba't salu-salungat na rin ang mga detalye sa kung ano nga ba ang nangyari sa parlor na iyon.
Ayon sa isang kuwento, lumapit ang bunso sa Barretto sisters sa aktres na huling gumanap ng Darna at tinanong kung totoo ang nababalitang umalis si Locsin sa poder ng kanyang manager na si Becky Aguila at lumipat na sa pangangalaga ni Malou Santos, ang managing director ng Star Cinema. Dagdag pa ni Claudine na nalaman niya ito mula sa make-up artist sa parlor na nag-aayos sa kanya.
Itinanggi naman ni Angel ang balita, ngunit naging balisa raw siya. Sinundan daw niya si Claudine nang lumabas ito sa parlor at nagpahangin. Dito raw nagpang-abot ang kanilang taasan ng boses at sagutan, kabilang na rito ang nabalitang mga binitawang salita ni Claudine na hindi si Angel ang prinsesa ng ABS-CBN kundi si Bea Alonzo. Sumagot naman daw si Angel na inggit lang daw ang mga "losyang" ng ABS-CBN gaya nina Claudine at Kristine Hermosa sa kanyang paglipat sa Kapamilya Station.
Sa sobrang galit daw ni Angel, bumalik ito sa parlor at pinagdiskitahan ang make-up artist na nagkuwento ng balita kay Claudine. Sinigaw-sigawan niya ang parlorista, dinuro-duro, sabay sipa sa isang silya sa salon.
Mayroon namang isang bersyon na nagreklamo kay Claudine na naroon sa parlor ang isang attendant ng establisyimiyento nito sa paninigaw sa kanya ni Angel na naroon din. Lumapit si Claudine kay Angel upang pagsabihan ngunit nagtaas daw ng boses ang huli sa pagsagot.
At may isa pang kuwento na kung saan daw si Angel naman ang kumumpronta kay Claudine dahil siya raw ang nagkakalat ng balitang kaya lang daw sunud-sunod ang mga project ni Angel dahil diumano'y "alaga na siya" ng isang mataas na executive sa Dos.
Hindi laman iyan ang kumakalat ngayon. Ayon sa ilang mga taga-showbiz, bawal na raw magtrabaho ang lahat ng mga talentong hawak ni Becky Aguila sa lahat ng mga teleserye't pelikulang pagbibidahan ni Claudine.
Ang sey ni Empress: Akala ko ang mga balitang gaya ng "Sagutan sa Parlor" na ito'y para lamang sa mga katsipang starlet na gumagawa ng mga iskandalo't eksena para lamang mapabalita sa mga walang kasing cheap na tabloid. Kaloka huh!
Natsismaks ni Empress Maruja at 4:20 PM 0 ang tumalak
Mga Tsika: ABS-CBN, Angel Locsin, Becky Aguila, Claudine Barretto, Eksenang Kachipan
Saturday, July 19, 2008
Senator Bong Revilla, tatakbong bise presidente?
Balita mula kay Chit Ramos, palamunin ng ABS-CBN:
"Floating pa," iyan lang muna ang masasabi ni Senador Bong Revilla kung tatanungin siya tungkol sa nababalitang pagtakbo niya bilang bise-presidente sa 2010.
Pero aniya, nakapag-usap na sila ng kanyang matalik na kaibigang si Senador Jinggoy Estrada ukol sa isyung ito. Sabi ni Jinggoy sa kanya na hindi raw siya tatakbo sa pagka-bise kung kaya hindi raw sila magkakabanggan kung sakaling matuloy ang kandidatura ni Senator Bong.
Kung matatandaan, nasa administrasyon si Senador Bong habang miyembro naman ng oposisyon si Senador Jinggoy.
Ang sey ni Empress: Hay naker, nang ibinalita sa akin itets ng aking supervisor nag-statement siya na "magpapalit ng citizenship" kung sakaling maging vice president nga si Bong Revilla. Ako? Lilipad ako kahit saan...
Basta huwag sa Saudi. Kawawa beauty ko doon, noh!
(Photo courtesy of Sthanlee of Picasaweb)
Natsismaks ni Empress Maruja at 8:04 PM 0 ang tumalak
Mga Tsika: Bong Revilla, Showbiz at Pulitika
Paki Ko Ditets: Penile enlargement service ni Doc Manny, patok sa showbiz!
Balita mula kay Pete Ampoloquio, Jr., palamunin ni Dr. Manny Calayan:
Kahit na kasuhan na't lahat-lahat dahil diumano sa malpractice, patok na patok pa rin ang penile hydrogel injections na ginagawa ni Dr. Manny Calayan. Paano nga naman, karamihan sa mga machong Pinoy na hindi nabiyayaan ng malaking sukat sa ibaba.
Hahaha!
Payo lang ni Dok Manny na sundin lamang ang kanyang payo na umiwas mula sa pagtatalik sa loob ng dalawang linggo matapos ang operasyon at hindi magkakaroon ng masamang side-effects ang ari. Inamin din ni Dok Manny na patok na patok ito sa mga kalalakihan sa showbiz, although tikom ang bibig ng celebrity doctor sa kung sinu-sinong artista ang nagpaopera ng kanilang mga sandata.
Hahaha!
Kasabay pa nito, ipinakilala pa niya ang mga bagong endorser ng kanyang klinika na mga miyembro ng Cover Boys na sina Jake Cuenca, Zanjoe Marudo, Rafael Rosell, Victor Basa, at Jon Avila. Ang tanong ngayon: sila din kaya, nagpatsuktsak tienes ng kanilang dingaling Dingdong Dantes?
Period.
Walang comma! Hahaha!
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nong!
Ang sey ni Empress: I swore! Alam na alam mo kapag si Pete AMPOLOQUIO ang nagsulat ng tsismaks. Hahaha!
Anyway, ano bang kaguluhan ang nagaganap sa showbiz na concerned ang mga machupichung aktor na magpalaki ng notes? Bakit hindi nila pagtuuunan ng pansin ang mga mas importanteng bagay, gaya ng paghusayan ang talento sa pag-arte? Pero kung anupaman, alam naman natin kung sinu-sino ang magiging masaya sa penile enlargement service ni Dok Manny...
Ang mga gay benefactor! 'Yun na teh!
(Photo courtesy of LSGH83.org)
Natsismaks ni Empress Maruja at 7:22 PM 1 ang tumalak
Mga Tsika: Manny Calayan, Paki Ko Ditets
Friday, July 18, 2008
Paki Ko Ditets: Niña Jose, nabighani kay Marian Rivera
Ang "Paki Ko Ditets" ay para sa mga balitang showbiz na napakababaw at walang saysay, mga aksaya sa tinta't papel pero binigyan pa rin ng importansya ni Empress Maruja. Bakit? Paki niyo.
Balita mula kay Allan Anthony Altera, palamunin ng PEP:
Labis ang tuwa ng Kapamilya star na si Niña Jose nang nakipagkita siya sa Reyna ng GMA na si Marian Rivera habang rehearsals nila sa FHM 100 Sexiest Women Victory Party noong July 13. Itinanghal kamakailan lang si Rivera bilang pinakaseksing babae ng nasabing magasin, kung saan naging cover girl na rin si Jose.
"While I was waiting at the car for my turn to rehearse, sinabi sa akin ng mga staff ng FHM na baka magkasabay kami ng rehearsal (ni Marian) kaya bigla akong napalabas sa car at nabuhayan," kuwento ni Niña. "Sobrang gusto ko talaga siyang makita before in person dahil sa TV ko lang siya nakiki and now na nakita ko siya, I was really starstruck!"
Sa katunayan, ayon sa isang source sa FHM, panay pa raw ang pakuha ng litrato ni Niña kay Marian habang break nila sa rehearsals, na lagi namang pinapaunlakan naman ni Marian.
Ang sey ni Empress: Mabuti naman at mabait si Marian sa 'yo huh. Hindi ka ba hinampas? Charing!
Natsismaks ni Empress Maruja at 6:07 AM 0 ang tumalak
Mga Tsika: Marian Rivera, Niña Jose, Paki Ko Ditets
Kimerald Fans, ayaw sa mga baguhan para sa My Girl
Balita mula kay Nora Calderon, palamunin ng ABS-CBN:
Nagalit ang mga fan nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa pagsali ng mga finalist ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus na sina Robi Domingo, Nicole Uysiuseng, at Josef Elizalde sa adaptation ng Koreanovelang My Girl. Anila, tama na raw na ang mga idol nila ang magbida sa teleserye to the point na nagpadala pa talaga sila ng hate mail sa ABS-CBN para ipakita ang kanilang mga ngitngit at galit.
Ngunit hindi nagwagi ang kampanya ng mga fan dahil natuloy rin ang pagganap ng tatlong baguhan sa palabas. Nagbigay rin ng pahayag ang Kimerald na tama lang na bigyan sila ng suporta gaya ng pagsuporta ng mga tagahanga sa kanila noong nagsisimula pa lamang sila sa showbiz.
Ang sey ni Empress: Kalokang mga fan 'yan huh. Idikta ba sa ABS-CBN kung ano ang gusto nila? Ako nga kuntodo ngitngit sa pagiging PANGIT ng Pinoy Idol sa GMA pero nakinig ba sila? Hmph!
(Photo courtesy of Philippine Entertainment Portal)
Natsismaks ni Empress Maruja at 5:53 AM 2 ang tumalak
Mga Tsika: ABS-CBN, Gerald Anderson, Josef Elizalde, Kim Chiu, Nicole Uysiuseng, Robi Domingo
Wednesday, July 16, 2008
Gretchen Barretto, gumanap bilang kabit
"Very challenging" ang role ni Gretchen Barretto sa bagong episode ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN na ipapalabas sa Sabado, July 19. Bilang bahagi ng 17th anniversary ng programa, gumanap si Greta bilang kabit ng isang mayor.
Ani Greta, ang kuwento bilang "the other lady" ay personal pa niyang pinili mula sa tatlong storyline na inalok sa kanya. Dagdag pa niya na hindi siya interesadong maging isang kabit in real life.
"Ayokong maging kabit, 'yun lang," pahayag ni Gretchen sa presscon ng palabas.
Ang sey ni Empress: Well Ms. Barretto, hindi pa annulled ang kasal ng iyong Papa-sang si Tony Boy Cojuangco. Ano ang tawag sa 'yo kung ganoon?
Natsismaks ni Empress Maruja at 1:37 AM 0 ang tumalak
Mga Tsika: ABS-CBN, Gretchen Barretto
Balitang paglipat ni Lorna Tolentino sa ABS-CBN, press release lang ba?
Umiikot sa maliit na mundo na kashowbisan ang balitang baka tumalon sa ABS-CBN si Lorna Tolentino. Kasalukuyan siyang nasa GMA bilang isa sa mga host ng Startalk at paminsan-minsan paglabas sa mga teleserye. Ilang linggo na lang ang binibilang bago mapanis ang kontrata niya sa GMA.
Ayon sa press release ng mga reporter na palamunin ng ABS-CBN, ang guesting diumano ni LT sa variety show na ASAP ang hudyat ng kanyang paglipat sa Kapamilya Network. Samantala, kinontra naman ito ng mga reporter na palamunin ng GMA at nagsabing press release lang daw iyan. Wala pa naman daw inaalok ang ABS-CBN sa asawa ng namayapang si Rudy Fernandez.
Ang sey ni Empress: Baka naman hinahayaan lang ni Tita Lorna na magpataasan ng offer ang dalawang ganid na istasyon, tapos pipili na lang siya kung alin ang tatanggapin niya paglagpas ng "Forty Days." Malas nga naman kasi mag-isip ng pera sa panahong iyan.
Natsismaks ni Empress Maruja at 1:17 AM 0 ang tumalak
Mga Tsika: ABS-CBN, GMA, Lorna Tolentino
Pauleen Luna, na-dethrone bilang First Lady ng Valenzuela
Ibinalita ng kolumnistang si Abu Tilamzik na tapos na raw ang relasyon nina Pauleen Luna at Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian. Aniya, hindi nila kinaya ang pressure na kaakibat ng kanilang pag-iibigan.
Sa kabila nito, bukas pa rin daw ang komunikasyon sa pagitan ng dalawa't umaasa pa rin daw si Pauleen na magkakabalikan silang dalawa.
Ang sey ni Empress: Pauleen, walang sanang sisihan kapag naging presidente si Mayor huh!
Natsismaks ni Empress Maruja at 12:54 AM 0 ang tumalak
Mga Tsika: Pauleen Luna
Monday, July 14, 2008
Male Starlet, Naglalako sa Craigslist
Nawindang talaga ang lola niyo nang may natagpuan ako habang nagbabasa ng Craigslist Philippines at naghahanap ng foreigner na "looking for friendship, possibly more."
Nakatisod akets ng isang personal advertisement na diumano'y mula sa isang dating miyembro ng isang disbanded na all-male group. Aniya, kung papaniwalaang siya nga ang nagsulat, naghahanap siya ng "someone who could help me and I'm willing to exchange."
Naku huh! Ano kayang exchange 'yan?
Sinek iteks? Naku, umapir na itets sa isang cover ng isang men's magazine na hindi naman talaga for men (if you know what I mean). Kung hindi niyo pa mahulaan, gora na sa Craigslist at hanapin niyo na lang doon (that is, kung wiz pa niya binubura).
Natsismaks ni Empress Maruja at 9:32 PM 0 ang tumalak
Mga Tsika: Blind Item
GMA Network, ibinibintang sa iba kung bakit PANGIT ang Pinoy Idol
Nagpahayag kamakailan ng ilang mga kinatawan ng GMA na may ilang grupo raw na nangangampanya upang masabotahe ang Pinoy Idol. Ayon kay Gerry Ocampo ng People's Journal, ang grupo na ito diumano'y bumoboto nang maramihan sa contestant na pinakasablay noong Performance Night. At dahil diyan, ang mga finalist na magagaling daw ay natatanggal kinabukasan sa Results Show.
Knows na raw ng "number 1 network sa Pilipinas" kung sinek-sineki ang may pakana nitets. "Ang GMA-7 ay lumalaban nang parehas at hindi ugaling manira ng ibang programa," sey nila.
So, napakagaling pala ni Sue Ellen noong Sabado kaya tsugi ang beauty niya kinabukasan?
Naku huh! Aminin na kasi ng GMA na sila mismo ang may kasalanan kung bakit napakapangit ng prestihiyosong Idol franchise. Kahit nga ang mga bansang mas purita sa Pilipinas gaya ng Slovak Republic ay mas bengga pa ang production kaysa naman sa reincarnation ng SOP na itets. Gusto ngang maiba sa Philippine Idol, pero mukhang ang kinaiba nito'y naging minadali't katawa-tawa ang production.
Pero heto naman akets, kyunga, nanonood pa rin ng Pinoy Idol hoping na may matinong finalist na magwawagi.
Go Penelope!
Natsismaks ni Empress Maruja at 3:45 PM 1 ang tumalak
Mga Tsika: GMA, Pinoy Idol
Sunday, July 13, 2008
Miss Universe 2008 Hula-Scope
Any monument ay bubulaga na ang Miss Universe 2008 at bawat sektor na ng kabaklaan sa buong universe ang nagbigay ng ng kanilang mga kuro-kuro, mga prediction, at kung anik-anik na forecast sa kung sinechiwa ang uuwi na may ngiti sa kanyang mga labi. At siyempre, hindi dapat magpahuli ang Empress Maruja noh, lalo na't lascheer some kinda korek ang aking hula powers na sabihin kets na Asian ang magwawagi.
Ektuwalee, dapat kanina ko pa ito pinost kaya lang dahil napakaresponsable ni Empress Maruja'y ngayon lang niya nabayaran ang disconnected na DSL subscription sa balaysung. Kaya hayan, unahan sa paggamit ang mga shupatid, at dahil middle child (at wiz tunay na babae) si Empress siya ang nahuli sa pila balde.
But enough about that. Naritets maritess ang pinakahinihintay na fearful predictions ni Empress Maruja sa magaganap na Sagupaan sa Nha Trang:
Natsismaks ni Empress Maruja at 8:55 PM 1 ang tumalak
Mga Tsika: Jennifer Barrientos, Miss Universe 2008
Saturday, July 12, 2008
James Yap, Nag-sorry Dahil Wala Siyang Yagbols
I swear, tawa ako nang tawa na mapanood itets.
Naging usap-usapan ang Philippine Basketball Association (sa wakas) matapos makialam si James Yap sa away ng may away. Napuno ang salop sa pagtutulakan nina Terrence Leather ng Talk N' Text at Jon-Dan Salvador ng Purefoods to da point na binato ni Leather ang bola sa fez ni Salvador. Sa kainitan ng kanilang giyera patani, lumapit si Mr. Kris Aquino sa likuran ni Leather saka sinipa ang import sabay kumaripas ng takbo.
Kalokah huh, sipa sabay takbo. Daig pa niya ang mga dinggalettes na kapag nanampal may matching Sabunutan sa Trese ang drama. Kaya naman ang sigaw ng mga utaw sa Internet forum, "James Yap duwag" at "James Yap walang yagbols."
Anyway, humingi ng tawad sa publiko si Yap. Aniya, nagawa niya ang karate kick dahil gusto lang niyang ipagtanggol ang kanyang ka-team. Inamin niyang mali ang kanyang ginawa't hindi ito dapat tularan ng mga tsikiting.
At mula noon, nagbalik ang PBA sa pagiging boring nitets.
Natsismaks ni Empress Maruja at 12:57 AM 0 ang tumalak
Mga Tsika: James Yap, Philippine Basketball Association
Friday, July 11, 2008
Willie Revillame, Praninggerzie na ba?
Tsika ni Ogie Diaz sa Umagang Kay Ganda na madalas nang magkasakit si Papi Willie Revillame lately to the point na gumawa na raw itets ng last will and testament. Dagdag pa ni Tita Ogie na gusto raw ni Willie na maburol sa mismong set ng Wowowee.
Huwag kayong mag-alala. Tumaas din ang kilay kets nang marinig 'yan. (Si Rico Yan nga hindi binurol sa MTB, siya pa?)
Ano ba, Papi, sakit lang 'yan. Bata ka pa naman siguro't gagaling ka rin diyan sa kung anuman ang nararamdaman mo. (O baka naman sinisingil ka na... you know.)
ON DA SIDE NOTE: Gaano ba katrulili na nasa 2007 Edition ng Guiness World Records ang Wowowee sa kategoryang Greatest Death Toll in a Game Show? Huwag asahan ang website ng GWR dahil hindi lahat ng record nilalagay nila, kaya kung sinuman ang may libro ng GWR 2007 pakisagot naman kung totoo ito.
Natsismaks ni Empress Maruja at 7:05 AM 0 ang tumalak
Mga Tsika: Umagang Kay Ganda, Willie Revillame, Wowowee
Thursday, July 10, 2008
Location ng Survivor Philippines, Bistado Na!
Hindi po ito tsismax, pero nalantad sa isang diyaryo sa Thailand na sa isang natural park doon gagawin ang Survivor Philippines. Ayon sa The Nation, gaganapin sa Tarutao National Marine Park sa Southern Thailand ang local version ng pinakamalaking reality show sa mundo.
Naging isyu pala roon na baka kasi makasama sa kalikasan ang pag-shooting ng Survivor Philippines doon, pero nagpahayag ang vice governor ng Satun Province na si Chuangchai Pao-in na pumirma ng kontrata ang producers ng SP na hindi sisirain ang magandang tanawin nito.
Magsisimula ang shooting sa July 21 at magtatagal ito hanggang August 29. Isang Thai-style pavilion na nga ang itinatayo sa location upang maging ganapan ng Tribal Council.
Naku huh, kailangan galingan ng GMA ang pag-produce ng Survivor Philippines noh para bumawi sila sa kanilang masamang karma pagkatapos mang-agaw ng franchise ng may franchise na "Philippine Idol" tapos bababuyin lang pala ng isang kalbong direktor at ng kanyang kampon ng mga dinggang mahilig sa lie detector test, attitude box, at sandamakmak na paruparo dahil gusto nilang ipalandakang mga bakla ang nasa likod ng show na kung tawagin ngayon ay "Search for the Next Jonalyn Viray."
Natsismaks ni Empress Maruja at 9:58 PM 1 ang tumalak
Mga Tsika: GMA, Pinoy Idol, Spoiler, Survivor Philippines
"My Monster Mom," Naging Hit Nga Ba?
Eto ang hirap kapag walang weekly box-office list na pinapakita ang ating local entertainment press, lahat ng producer puwedeng mag-claim na box-office sila. Buti na lang at nariyan ang Box Office Mojo upang kahit papaano ay magbigay linaw kung trulili nga ba ang claim o hindi.
Statement kasi ng GMA Films, naka-25 million pesoses ang return of the comeback ni Annabelle Rama na "My Monster Mom" noong nakaraang linggo. Im fack daw, second daw itets sa box-office list kung saan namayagpag ang Hancock ni Will Smith.
Question ko lang: Kung hit naman pala ang My Monster Mom, bakit wala ito sa Box Office Mojo at lumalabas na ang pelikulang "Wanted" pa ang official na second placer noong nakaraang linggo with 17 million pesos? Ikinakahiya ba ng GMA Films na naging second lang itets? Sana naman hindi.
Natsismaks ni Empress Maruja at 4:40 AM 0 ang tumalak
Mga Tsika: Annabelle Rama, Eksenang Kachipan, GMA
Mga Walang Pera sa Showbiz, Nagko-commute na lang
Sa taas ng presyo ng lahat ng bagay maliban na lamang sa pasuweldo't talent fee ng mga artista, ilan sa mga nagniningningan nating mga alagad ng sining sa pinilakang tabing ang napipilitang gumamit ng public transportation.
Ayon sa nakalap na saliksik ni Boy Villasanta ng ABS-CBN.com, ilan sa mga artistang nagtitipid kaya nagko-commute ay sina Julio Diaz, Snooky Serna, Tiya Pusit, at Zorayda Sanchez. Ang statement nga ni Julio kay Kuya Boy-V, na kamakailan lang ay nakipag-hobnobbing sa Cannes Film Festival para sa pene... este pelikulang "Serbis," talagang iniiwan niya ang kanyang Mercedes Benz sa kanyang bahay sa Meycauayan, Bulacan, upang makapiling ang mga kapwa komyuter. O siya, naniniwala kaming may Benz ka.
Hindi naman ikinaila ng komedyanteng si Tiya Pusit na kahit ang kanyang pagpunta sa Manaoag, Pangasinan, upang magnobena ay idinadaan niya sa pagsakay sa bus. Sey pa niya, "Wala akong pakialam kung makilala ako ng mga tao sabihin na bakit ako nagbu-bus. Karapatan ko ‘yon. E, sa wala akong kotse. Kung may kotse man ako, ang mahal ng gasoline at wala akong drayber. Magsisimba naman ako at hindi poporma, di ba?"
Tumpak, Tita, tumpak!
Natsismaks ni Empress Maruja at 4:20 AM 0 ang tumalak
Mga Tsika: Eksenang Kaloka, Julio Diaz, Tiya Pusit
Ho-Hum, Another Gretchen Barretto Controversy
After mapahiya (daw) nang ma-reject ang kanyang credit card sa isang hotel, heto na naman si Gretchen Barretto't nagiging laman na naman ng mga pahayagan at tabloid.
Ang kuwento naman ngayon: buntis siya, at hindi ang kanyang Papa-san na si Tony Boy Cojuangco ang ama.
Naku huh, totoo man ang tsismax na 'yan o hindi, isa lang ang sigurado: wala na kaming pakialam. Heto nga't kakabakuna ko lang ng anti-Gretchen Barretto controversy vaccine para mamanhid ang aking katawan sa tuwing makakabasa ng kung anumang nakukuwento sa kanya.
I'm sure, siya mismo ang nagpakalat ng tsismax na 'yan para mapag-usapan na naman. Alam mo naman dito sa napakaliit nating mundo ng kasubisan, kahit pangit ang balita, publicity pa rin 'yan. Dagdag endorsements din 'yan balang araw. Tama po ba ako, Madam Greta?
Natsismaks ni Empress Maruja at 12:44 AM 0 ang tumalak
Mga Tsika: Gretchen Barretto
Nabuhay! Nabuhay!
Yes, mga marcy! Nabuhay ang bangkay!
Ilang buwan din ang binilang bago lumitaw muli sa eksenang tsismisan ang bakla ng masang kabaklaan na si Empress Maruja.
Eh paano naman kasi, may isang blogger kasing itago na lang natin sa pangalang Mr. Silkencrap ang kumoda ba naman ng parang ganitets:
"Bakit ba paimportante ang mga entertainment blog na 'yan, eh kumokopya lang 'yan sa iba pang website?"
Ay, na-hurt akets. (Obvious naman devah, ilang buwan ko ring hindi inasikaso ang blog na itets.) Pero alam niyo, ngayon ko lang napagtanto...
EH BAKIT PAIMPORTANTE ANG MGA TECH BLOG NA 'YAN, EH KUMOKOPYA LANG DIN 'YAN SA IBA PANG TECH BLOG? CHE!
Ayan, nalabas ko na rin ang mga kinikimkim na galit.
Abangan ang tsismisan makalipas ang ilang sandali.
Natsismaks ni Empress Maruja at 12:29 AM 0 ang tumalak