Your Ad Here

Wednesday, August 29, 2007

Willie, Pikon Talaga Ever!

Nagdrama si Papi kani-kanina lang sa kanyang noontime drama show na Wowowee. Teka, game show ba 'yon, bakit puro iyakan?

Umentra sa kalagitnaan ng opening number si Willie Revillame at nag-react sa mga patama't tukso ni Joey de Leon sa Eat Bulaga. Kung matatandaan, inakusahan ng pandaraya ang Wowowee sa kanilang Willyonaryo segment kung saan nakitang dalawa ang numero sa iisang gulong, nagpapahiwatig na maari nilang hindi ipamigay ang jackpot kung hindi nila trip (or in ABS-CBN terms, kung hindi "malambing") ang contestant.



(courtesy of geerawrd111 of YouTube)

"Akala mo napakalinis mo'ng tao," parinig ni Papi kay Tito Joey sabay tulo ng luha. "Sige na, sa inyo na ang ratings! Number one na ang Eat Bulaga!"

Ay sus, Willie! Ibaling mo na lang ang drama sa mga TFC subscriber na hinuhuthot mo! Balikan mo na lang kami kapag na-explain niyo na kung bakit dalawa ang number sa wheel, okey Kokey?

PAHABOL NA TSISMAKS: Guest kanina si Papi radio talk show ni Cristy Fermin sa dzMM para kunan ng pahayag tungkol sa kanyang pagwarla sa Wowowee. Feeling ni Willie, pinepersonal na raw siya ni Joey de Leon.

"Huwag mong hintayin na mawalan ako ng respeto sayo, Joey de Leon," hamon ni Willie.

Ang tanong lang ditets: Kung hindi mandaraya ang Wowowee, bakit kung mag-react si Willie parang guilty?

Sunday, August 19, 2007

Vina Morales, Magkakakarir Pa Kaya?



Oy! Kahit naman akets natuwa sa pagka-Winnie Cordero ni Vina Morales sa Ikon Asean competition noong nakaraang linggo. Ang isyu lang ay kung may magaganap na pagbabago sa kanyang hindi gaanong masaganang karir ditets.

Ayon kay Vina sa isang interview sa Inquirer, may humihikayat sa kanyang producer sa Malaysia (kung saan ginanap ang Ikon) na mag-record ng bagong album nag pang-South East Asia ang market. Kahit na excited siya dito'y plano niya munang tapusin ang kanyang US concert tour.

Nais din niyang magkonsyerto sa South East Asia, bitbit ang mga runner-up niya sa Ikon (ewan ko na lang kung papayag diyan ang Malaysian Idol na si Jaclyn Victor na siyang tinalo ni Vina).

Kung akets ang tatanungin, may mangyari kahit kaunti sa karir niya, espeyshali sa South East Asia. Si Carlo Orosa nga na hindi sikat ditets, aba, music celebrity sa Vietnam.

Punyeta Ka, Roffa! Punyeta Ka!



Aba aba aba! Isang linggo lang akets nawala sa mga showbiz eksena't sandamukal na kachipan at anik-anikan ang naganap sa maliit na mundo ng mga artista't feeling artista!

At heto ang kinagulat ko sa lahat: Pagkalipas ng ilang buwang batuhan ng putik, akusasyon, at hiwalayan nina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas, mababalitaan mo na lang na BATI NA ANG DALAWA?

POTRAGES! Nabuwisit ang lahat ng utaw sa inyo! Dinamay niyo pa ang buong Pilipinas sa tampuhang pururot niyo?! Para ano pang naghiwalay kayo? Para mapag-usapan ka na naman pagkatapos mag-flop ang kachipan mong show na Philippines Next Top Model?

At aber, bakit na naman kayo magbabalikan? Para hindi ka mademandang tuluyan ni Yilmaz dahil nangangaliwa ka pala? Dahil hindi mapapanindigan ni Yilmaz ang 50 kilong ginto na claim ng mudra mo'ng ibibigay niya kapag hiwalay kayo? Naalala ko pa 'yun, press release 'yan ni Annabill noong ikakasal pa lang kayo.

Hay naku, punyeta ka, Roffa! Punyeta ka! Wala kang maasahan sa amin sa susunod na umiyak ka na naman at mag-anunsyo kay Boy Kalbo na wala na uli kayo ni Yilmaz.

At huwag niyo akong sasabihan na "mahalaga ang pamilya chu-chu belles." Ang isyu dito, walang isang salita ang anak ni Annabill. Kung may problema man siya sa kanyang pamilya, dapat una niyang gawin ay kausapin ang asawa niya. Hindi 'yung may-I-announce sa talks shows na hihiwalayan mo siya. O ngayon, nagsilabasan ang mga baho't lumalabas ikaw at ang iyong Mujay ang masama.

Buti nga sa 'yo! PWE!

Friday, August 10, 2007

Manny Pacquiao, Lalaking Primadonna?



Halos pinaghintay ni Manny Pacquiao ang kanyang mga kasamang pasahero sa isang PAL flight ng halos isang oras dahil hindi siya makapagdesisyon kung sasakay nga ba siya sa eroplano o hindi. Bibiyahe ang PR 102 mula Maynila hanggang Los Angeles, kung saan magte-training si Pambansang Kamao para sa kanyang laban kontra Marco Antonio Barrera ngayong Oktubre.

Alas-diyes y medya ng gabi nitong Martes dapat lilipad ang eroplano, ngunit alas-diyes na'y hindi pa rin nakasakay si Pacquiao. Napagdesisyunan ng boksingero na huwag nang sumakay sampu ng kanyang mga alalay, kung kaya't inabot ng siyam-siyam sa paghihintay ang mga pasahero na nasa loob dahil ilalabas ang mga bagahe ni Pacquiao na nakakarga na sa eroplano.

Ngunit subalit datapwat nasa kalagitnaan na ng pagdiskarga sa mga bagahe'y naisipan na naman ni Pacquiao na sumakay na lang muli, pero dapat katabi niya ang kanyang corner man na si Restituto Fernandez, na naka-standby pa pala.

Ang ginawa ni Manny, tinawagan ang mga bossing ng PAL upang makasakay sa first class si Fernandez, na siyang kinabuwisit na ng mga pasahero. Nakasakay din si Fernandez matapos ibigay sa kanya ng isa pang kasamahan ni Pacquiao ang kanyang upuan.

Hindi ito magagawa ng kahit sinong ordinaryong pasahero, ang magpalit ng puwesto sa isang hindi pa nakakasakay, lalo na't paalis na ang eroplano. Sabi nila'y mapamahiin lang siguro si Pacquiao, sabi ng iba'y nagiging primadonna na siya.

Ang sey ko naman, isa lang itong classic example na ang kapag ang isang mahirap ay naging mayaman, gagawin din niya ang akala niya'y gawaing mayaman.

Lea Salonga, Nagmaasim sa ASAP!

Una sa lahat, isang abiso.



Pinapayuhan ng Google na MAARING MAPANGANIB SA INYONG COMPUTER ang pagdalaw sa leasalonga.com. I-click ang larawan nang mabasa ang mga detalye.

Kalokah!

*****



Hindi tumalab ang Happee Smile ni Lea Salonga noong ginawan siya ng tribute ng ASAP sa ABS-CBN kamakailan. Nakita siya nang ilang beses na tila hindi natutuwa sa mga performance nina Sheryn Regis, Rachel Ann Go, at iba pang mga Champions, sa saliw ng kanyang mga di-malilimutang Broadway performance.

Inamin ni Lea minsan na kapag nakakarinig diumano siya ng isang palyadong nota ay napapa-"twitch" ang ulo niya, at tila sa video na ito'y pinipilit niyang huwag magpakita ng dismaya sa bersyon ni Sheryn Regis sa "On My Own" ng "Les Miserables."




Hindi rin ligtas sina Rachel Ann Go sa pagmamasungit ng Tony Awardee.



Ngunit sa kabilang banda, tila hindi napansin ng mga fans ang kakaibang reaksyon ni Salonga.

"I think sabi ni Lea, 'Jesus,'" say ng isang fan ni Sheryn sa isang comment sa YouTube. "I think na na-impress talaga siya don sa pagkanta ni Sheryn, doon sa may part na 'known'... heheh..."

Empress Balita, Nagtalaga ng 6-Month Ban Kay Angel Locsin!



Nakakabagot na! Nakakasawa na!

Para bigyan ang ating mga giliw na mambabasa makabasa ng fresh na tsismaks sa lahat ng sulok ng showbiz, napagdesisyunan na hindi maghahayag ang Empress Balita ng kahit anumang bagong programa, pakulo, gimik, black propaganda, love tandem, love triangle, love quadrangle, sex scandals, at kung anu-ano pa mula kay Angel Locsin.

Ang simpleng lipatan ng network, na nagsimula lang sa bulung-bulungan ng mga talent manager, ay sobrang lumaki at lumawak ang isyu at lahat na nadamay na.

Puwede nating ituro ang paninisi sa kanyang sakim na manager na si Tiya Becky Aguila (na kahit saan man anggulo kunan ay saksakan ng pangit, salamat po Ellen ba 'yan?), puwede rin nating ituro sa masyadong emosyonal na si Wilma Galvante ng GMA sa diumano'y pag-ulan ng nega tsismis laban sa aktres.

Ngunit sa totoo lang, ang paulit-ulit na balitang tungkol sa iisang isyu ay nakakasawa rin. Masyado nang nakarami ng exposure si Angel para sa kanyang napipintong red-carpet welcome ng ABS-CBN, na naisipan ni Empress Maruja na bigyan ng espasyo ang kanyang mga magigiliw na readers mula sa kabaliwang ito.

Kung nais niyo ng mga bagong balita mula kay Angel Locsin, sa PEP.ph muna kayo magtungo. Wala kayong maririnig tungkol kay Angel dito sa tsismaks blog na itets hanggang February 9, 2008.

Pambungad sa Umaga Blg. 4

Kokoorookoo! Good morning!

Mula kay...



Chef Rob Pengson, host ng "Chef on the Go" ng QTV-11.

Wednesday, August 8, 2007

Manager ni Boy2 Quizon, Nagwarla Laban sa Hate E-Mail ng Alaga



May kumakalat na hate e-mail laban kay Boy2 Quizon at ayaw kumoment ng young actor tungkol dito.

Pinadala ang e-mail sa maraming entertainment columnists at lahat sila'y agree na bagaman iba't iba ang pangalan ng diumano'y sender, iisa utaw lang nag-send.

Ayon sa e-mail, narinig daw ng sender ang kuwento ng apo ni Dolphy habang senglot na senglot sa isang bar sa Antipolo, na kesyo ipinagmamayabang niyang malakas daw siya sa GMA dahil close sila ni Richard Gutierrez, na si Katrina Halili ang da best sa lahat ng Lupin Girls na nakama niya, na kesyo si Danica Sotto raw ang pinakaplastik sa lahat ng naging girlfriend niya, at diumano'y nagdadala siya ng marijuana sa shoot at marami na raw siyang artistang ka-jamming sa pagsinghot kay Marijo.

No comment si Quizon sa mga alegasyon sa e-mail at desididong hindi magpapaunlak ng kahit anumang interview sa mga showbiz talk show.

Pero ang kanyang manager na si Nene Riego, hindi mapigilang magwarla para ipagtanggol ang kanyang alaga. Itinanggi niya ang lahat ng paratang sa e-mail at ipinagmalaking tahimik at simple si Boy2 sa personal. Hinala niya na isang badinggerzie ang e-mail sender, na hindi raw makakatikim kay Boy2.

"Kaya ang masasabi ko sa kanya, 'Hoy, bakla! Lumantad ka! Magladlad ka ng saya! Next time, kami ang kontakin mo sa e-mail address na neneriego [at] yahoo [dot] com at magkita tayo. Isasama ko pa si Boy2 para magkaharap kayo ng lalaki sa bakla, imbes na lalaki sa lalaki,'" patawang warla belles ni Ms. Riego.

Tuesday, August 7, 2007

Ronnie Liang, Muntik Nang Mategi sa Tate!



Traumatized hanggang ngayon ang Pinoy Dream Academy second runner-up na si Ronnie Liang matapos muntikang madamay sa isang gang war habang nasa Washington DC sa Amerika.

Nagdya-jogging diumano si Ronnie isang hatinggabi nang may pumaradang kotse malapit sa kanya. Nagsibabaan ang mga lalakeng nakasakay dito at ang isa dito'y nagpaputok ng baril. Mabuti na lamang at pataas ang tutok ng baril at kung hindi'y maagang namaalam ang karir ni Ronnie.

Kumaripas siya ng takbo hanggang makarating sa isang lokal na hotel at tinawagan ang kanyang manager na nasa Pilipinas. Pinayuhan na lamang ng manager na mag-check-in pansamantala ang kanyang alaga sa hotel na iyon at tawagin na rin ang mga kasama niya na sa ibang hotel namamalagi upang ipaalam sa kanila ang nangyari.

Ang gintong aral ngayong araw: KAHIT SAAN KA MAGPUNTA, HUWAG MAG-JOGGING NANG HATINGGABI, LALO NA'T MAG-ISA.

Monday, August 6, 2007

Drew Arellano, Magaling sa Kama Sey ni Ethel Booba



Blockbuster si sexy comedienne Ethel Booba nang maging isa siya sa iilang celebrities na nakakumpleto ng "40 Forbidden Questions" ni DJ Mo Twister sa Magic 89.9. Ito ang radio program na kinatatakutan at kinaaasar ng mga taga-showbiz dahil laglagan ito kung laglagan.

Maliban sa ipinakita niya sa radio booth ang kanyang mga "tuta" (na una niyang sinagot ay nasa bahay), at ang kanyang buong pagmamalaki na tumataginting na "9 inches" ang sandata ng kanyang ex-boyfriend na si Alex Crisano, inilista rin niya sa programa ang mga artista't modelong nakasiping niya minsan.

Kabilang sa mga personalidad na nachukchak diumano niya sina Troy Montero, Jordan Herrera, Wendell Ramos, mga modelong sina Rich Herrera at Andrew Wolfe. Ngunit para sa kanya, pinakamagaling daw sa kama ang TV host na si Drew Arellano. Dagdag pang hirit ni Ethel na nasa kanya pa rin ang belt na suot ni Drew nang sandaling 'yon.

"Ang ganda-ganda ko! Mamatay kayo sa inggit," sey ni Ethel Booba.

Itinanggi ni Drew sa hiwalay na interview ang alegasyon ni Ethel.

Pambungad sa Umaga Blg. 3

Kokoorookoo! Good morning!

Mula kay...



Dominique Cojuangco.

"I'm rich, bitch!"

Gretchen, nagmana naman pala siya sa 'yo...

Sunday, August 5, 2007

Jennylyn Mercado, Ligtas (Daw) Mula sa Anti-Becky Drive ng GMA



Sinisiguro ng kinatawan ng GMA na hindi madadamay si Jennylyn Mercado mula sa "Anti-Becky Drive" ng GMA na kung saan pinagtatanggal ang lahat ng talent ni Becky Aguila na manager ni Angel Locsin. Tutuparin daw nila ang nakasaad sa kontrata ni Jennylyn na valid hanggang 2009.

Ngunit sa kabilang banda, frozen ang lahat ng TV guestings ni Jennylyn at wala ring tayong naririnig na upcoming project ang dalaga.

Tila hindi na-anticipate ni Becky na ganito ang magiging reaksyon ng GMA sa paglipat ni Angel Locsin sa ABS-CBN. Kung hindi ba puro commission lang ang nasa isip niya, malamang naisip niya rin itech, devah?

Sa ibang balita, maging ang kilalang "TY Doctor to the Stars" na si Dr. Manny Calayan ay pinutol na rin ang lahat ng endorsements ng mga talents ni Tiya Becky. Don't worry, mga bata. May Ellen's naman.

Roxanne Guinoo, Tanggap ang Pagkatsugi sa Wowowee



Hindi minasama ni Roxanne Guinoo ang pagkakatanggal sa kanya sa Wowowee (pero siyempre idinaan niya ito sa balde-baldeng pag-iyak sa dressing room). Ayon sa management ng nasabing noontime variety show, concerned lang daw sila sa kanyang health lalo na't dalawang teleserye ang kanyang raket ngayon sa ABS-CBN.

Oo nga naman, baka nga naman kasi sa sobrang pagod niya't magwala rin siya sa set at manigaw ng staff, tapos ireklamo rin niya kung bakit mababa ang TF niya kumpara sa ibang mga artista, at maging dahilan ng paglipat niya sa kabila.

Magka-level na pala sila ni Angel Locsin, ano? Sino ang umangat? Sino ang bumaba? Hmmm...

Pambungad sa Umaga Blg. 2

Kookoroko! Good morning!

Mula kay...



Aleck Bovick.

Batiin niyo naman. May baby na siya noh!

Saturday, August 4, 2007

Pauleen Luna, First Lady na ba ng Valenzuela?



Happy keps si Pauleen Luna kapag nababanggit sa kanya si Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian. Inamin niya sa press na nagkakamabutihan sila, pero kung kumpirmadong ibinigay ni Luna ang kanyang matamis na oo ay isa pa ring misteryo.

Ayon kay Pauleen, nagde-date sila ni Mayon Win ngunit tuwing free time lang ng lalaki. "Mahirap namang kalabanin ang Valenzuela," biro niya sa press.

Binoboto ba sa Valenzuela ang "First Lady"? Chekah!

Josh Hartnett, nasa Mindanao; Gudlak sa Abu Sayyaf!



Kasalukuyang nasa Mount Diwalwal sa Mindanao ang Hollywood celebrity na si Josh Hartnett para sa shooting ng ilang mga eksena sa kanyang pelikulang "I Come with the Rain." Kilala ang Mount Diwalwal sa mga minahan nito ng ginto.

Kabilang sa mga kasama niya sa shoot ang Korean actor na si Byung-hun Lee (bida sa Koreanovelang "Beautiful Days" at "All In"), Director Trin Anh Hung ("Scent of Green Papayas"), at sangkatutak na Pinoy bilang extra.

Ginagawa ng lokal na gobyerno ang kanilang makakaya upang mapangalagaan ang seguridad at kaligtasan ng mga banyagang bisita.

Saka, wala naman sigurong TV at Internet sa Basilan, devah? Malay ba ng Abu Sayyaf?

Pambungad sa Umaga Blg. 1

Good morning! Mula kay...



Manilyn Reynes, bilang Corazon sa Marimar!

Friday, August 3, 2007

Oh Kay Okray! Blg. 1

Sali na sa...



Tuwing Biyernes, may ipapakita akong komiks na blanko ang lobo. Mag-iwan ng talak (o comment) at gumawa ng pinakaokray na dialogue na may kinalaman sa mga artista o personalidad na nasa larawan.

Tuwing Lunes ay pipili ang inyong lingkod ng pinakaokray sa okray. Ang blogger mananalo (meaning may blog ka, teh!) ay bibigyan ng espeysyal na link sa sidebar.

Simple lang, devah? Kaya join ka na noh?!

Narito ang ating unang Oh Kay Okray Komiks:



Ano kaya ang okrayan nina Tita Wilma Galvante ng GMA at Tiya Becky Aguila na manager ni Angel Locsin?

Halimbawa na lang...

WILMA: Kahit ano'ng anggulo ang mukha mo, chaka ka pa rin!
BECKY: Aba! Nagsalita!

O, kayo naman! Mas creative, mas nakakatawa, mas kuwela, mas winner!

Kaya go! Umokray ka na, teh!

Pia Guanio, Winarla ang mga Gardang!

Tinalakan diumano ni Pia Guanio ang mga sekyu ng isang condominium matapos maispluk sa press ang narinig nilang LQ nina Guanio at ng kanyang jowang si Bossing Vic Sotto.

Ayon sa saksing nakitsismaks kay Tita Dolly Ann, nakatikim daw ng galit, poot, at lait ang mga gardang mula kay Guanio.

"Ang chichismoso niyo," sigaw ng co-host ng Showbiz Central.

Kalokah ka, Pia! Para namang hindi ka nasanay sa angking galing ng mga Pinoy pagdating sa tsismisan! Kaya ka nga may entertainment news show, devah?

Kaya nga ako may tsismaks blog, devah? Che!

Winner Quote of the Week Blg. 2


Heto huh! Narinig ko lang itets sa radyo habang sakay ng FX!

"Alam niyo ba, si Sam Milby ay natagpuang may kasamang American boy sa Bohol? Ay mali, American girl pala!"

I swear, mga katsismaks, hindi ko mapigilang matawa!

Thursday, August 2, 2007

ABS-CBN, Sinasadyang Ipa-ban ang Margarita?

Bakit nga ba sa lahat ng oras na puwedeng magpalabas ng isang teleserye tungkol sa isang showgirl ay naisipan ng ABS-CBN na ilagay ang "Margarita" alas-sais ng gabi?

Simple, mga Katsismaks. Tila sinasadya ng ABS-CBN na mapansin ang Margarita ng MTRCB.

Dahil kung papalag ang censors (classification daw, sabi ni Tita Laguardia) at magiging suspended ang palabas for "indecency" at "immorality" chuchu, aba, mababalita na naman ang pinakakinasuklam noong Pinoy Big Brother Season 2.

At kapag kumalat ang balitang suspension sa mga chipanggang tabloid, magiging usap-usapan ito. Maging curious na naman ang mga utaw na panoorin ang Margarita, kahit na hate na hate nila ang bida nito.

Kapag maraming nanood, ibig sabihin tataas din ang ratings. Tataas ang ratings, sisikat ang show.

At kapag sumikat itets (please lang huh!), eh di para na ring sinabi ng ABS-CBN na uto-uto ang mga manonood.

Bakit nga ba kayo manonood ng Margarita kung ayaw niyo kay Wendy Valdez, aber?

Alin, Alin, Alin ang Naiba?


Isipin kung alin ang naiba...

Tila hindi titigil ang kachipang pagkukumpara't sapilitan warlahan nina Katrina Halili at Christine Reyes matapos ipakita ang August cover ng FHM Magazine na kung saan bida si Reyes.

Hindi mapigilan ng mga kunsintidor na pagkumparahin ang hitsura ni Reyes sa cover, na sinasabing naging kamukha bigla si Halili.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit pinagsasabong ang dalawang itets. Kung ayaw nilang ipakita sa harap ng camera ang kung anumang alitan nila, eh di huwag nang ipilit, devah? Nagmumukhang Madam Auring versus Mystica tuloy ang labas.

Wednesday, August 1, 2007

Roxanne Guinoo, Tsugi sa Wowowee!

Pinalitan ng Kapuso star na si Valerie Concepcion, na alaga rin ni Becky Aguila (gumaganti lola niyo huh!), ang "naglalambing" na si Roxanne Guinoo sa pagiging co-host sa Wowowee.

Ayon sa PEP, "hectic" daw ang schedule ni Roxanne, lalo na sa pag-shooting ng kanyang teleseryeng "Natutulog ba ang Diyos."

Kalokah huh! Parang isang show lang magiging ganoong ka-hectic na ang schedule niya?

Baka naman kinulangan lang siya sa lambing. Che!

Sandara Park, Nag-Alsa Balutan Pauwi ng Korea

Unang nabasa sa PEP ang nakakagimbal (nga ba?) na balitang tigil-showbiz ang Pambansang Krung-Krung na si Sandara Park at lumipad na patungong Korea kani-kanila lang.

Plano niyang magtrabaho sa kanyang bansa upang mapag-aral ang kanyang mga kapatid.

Inilihim niya sa kanyang mga kaibigan at fans ang kanyang paglisan hanggang kahapon lang. Ayon sa kanya, ayaw niyang magkaroon pa ng iyakan sa araw ng pag-alis niya. Nakipagkita pa siya sa kanyang mga fans sa huling pagkakataon sa Greenhills.

Ayon kay Park, kaya niya napagdesisyunang umuwi na sa Korea dahil wala na siyang giangawang projects dito. Huli siyang nakita sa telebisyon bilang cast ng "Kemis" sa RPN-9 na tumagal lang ng tatlong buwan. Nagtapos na rin ang kanyang kontrata sa Star Magic at tila walang indikasyon mula sa talent arm ng ABS-CBN i-renew pa ito.

Dagdag pa ni Sandara na nalungkot siya sa aniya'y "paglaho ng mga kaibigan sa oras ng pangangailangan."

Produkto si Park ng first season ng "Star Circle Quest," ang naging pantapat ng ABS-CBN sa "StarStruck" ng GMA, kung saan naging runner-up siya ni Hero Angeles.

Naging usap-usapan agad ang balitang ito pagkatapos na pagkatapos ibandera sa Internet. Ayon sa isang banda, pinatunayan lang daw ng Kapamilya Network kung papaano sila mag-alaga ng talent. Pipigain hanggang sikat, itatapon na lang kapag ubos na ang katas.

Samantala, nanghihinayang naman ang mga tagahanga ni Park. Malaki na raw ang na-improve niya sa pag-arte. Nagbabakasakali sila na sana'y ipagpatuloy niya ang kanyang showbiz career sa Korea, kahit na mas matindi pa roon ang kompetisyon.